What's new

Help Need suggestion lang need makakausap

Iloveu300

Eternal Poster
mga master need ko suggestion. dati nga kasi akong nag wowork as IT sa isang kumpanya sa manila then nagkapa pandemya so taga probinsya talaga ako then umuwi ako probinsya dahilan na nagka pandemya(Covid19) so eto nga nag apply ako sa savemore as SC (stock clerk) all around naging work ko bilang SC kay savemore. OSA, SELLING DOOR, FOOD1, FOOD2, NON FOOD, hanggang Pag shelftag sa TLC, sna may maka relate na nag CS dyan kay savemore. ako lang kasi nag iisang SC dahil nga kay covid kaya isa lang naging SC dito sa savemore saamin. so ganito naging desisyon mga master! ililipat ako bilang isang bagger. dahil may ipapalit saakin SC din galing ibang branch na kalapit bayan lang. sobra sumama loob ko dahil di pa man ako promoted regular feeling ko demote agad ako :( college grad nga pala ako mga master. sumobra sama loob ko dahil mas sanay ako sa dati ko nga tinatrabaho kay savemore. diko alam magiging desisyon ko balak balak kona din mag resign sana dahil sa sama ng loob sa pag lagay saakin ng ganoong position. makatwiran poba ganong position saakin na ibagsak ako sa bagger. diko na minamaliit isang bagger kaso lang mas sanay kasi talaga ako sa tinatrabaho ko nakaraan lang. or masyado lang mataas yung pride ko? feeling ko kasi nakakahiya sa iba na binagsak ako sa pagiging bagger. (diko minamasama pagiging bagger sorry po ☹️ ) pero grabe naman kasi talaga yun. sana may maisuggest kayo saakin kung bakit ganon nangyari saakin sinisipagan ko naman sa trabaho kaso lang minsan hindi talaga maiwasa na OB sa pag break.
 
ISANG hamon sa buhay yan boss we never know sa pagiging bagger mo magsimula ang TUNAY na plano SAYO ni God. kaya kung anuman ang naging desisyon ng kumpanya grab mo boss. Wag mo na isipin yung kung SAAN ka mas sanay or kung ano man yung nararamdaman mo dahil sa nangyari.

LABAN lang at tuloy mo lang ang oportunidad na MERON ka at magtiwala ka sa panginoon may magandang balak para SAYO si God. 🤟
 
[XX='Iloveu300, c: 1105919, m: 1437518'][/XX] ILAGAY mo sa positive side ang nangyari. Kung tutuusin napaka swerte mo dahil may pinagkukunan ka ng ilalatag mo sa hapag kainan niyo sa pagtratrabaho ngayong may pinagdadaanan tayo tungkol sa pandemya. 🤗🤟 Biyaya yan Kapatid ano mang trabaho mo diyan napaka baba man o taas mo PAREHONG BLESSINGS lang yan. 🤟
 
Bumaba ba ang sweldo mo or yung JOb description mo? Bawal kasi babaan ang sweldo mo or idemote ka ng walang dahilan bawala yun sa labor law

Due Process Requirement.

While an employer may demote an employee for valid reasons, it must first comply with the twin requirements of notice and hearing. This is because a demotion affects the employment of an employee, whose right to continued employment under the same terms and conditions, is likewise protected by law. (Floren Hotel vs. NLRC, May 6, 2005) Demotion, like dismissal or termination from employment, is in the nature of a punitive action, which an employee should be given a chance to contest.


Nangyari na yan sakin dati, pero in my case may kapalit naman kasi, una pinagawa muna nila ako ng letter na pumapayag na bumaba ang sahod ko kasi alam nila na madadale sila ng DOLE pag binabaan nila ako, pumayag ako kasi may nag iintay naman promotion sakin kasi iniintay lang mabakante yung isang item kaya from Accounting processor before naging data encoder ako pero ang kapalit naman nun ay Senior mnanagement System Analys. kaya kahit 1 month na data encoder ako pumayag na din ako. madalas mangyari yan sa Government lalo na pag outsource, Minsan ang dahilan ng demotion din ay pag kawala ng isang Item kaya ka na dedemote, pero in your case sa private I dont know pero tingin ko sakop pa din yun na dapat may dahilan sila kung bakit ka binabaan.

IPaglaban mo kung tama ka
 
Pasalamat ka lods merun kapa ring trabahu sa ngayun.ako nga College grad walang trabahu peru na taktak dahih cornbeef19 natu..peru lods naka relate ako sayu..peru yang dedemote ka sa profession mo ibanng salita nayan baka may galit mga superior mo or ibang department superior..or yung newly hired ay may kapit sa CEO or mga bigatin sa company..
Just saying
 
sa savemore kasi master. kapag nag apply ka kay savemore ng direct at SC ang inapplyan ko tawag samin probitionary kasi dipa kami regular. kumbaga 5 months lang kami don at nsa performance ndin kung maregular e. may laban poba yun kahit na probitionary lang kami?
 
Ahh sa tingin ko justified naman yumg ginawa nila sayo kasi nasa probie ka pa siguro may nakita sila sa perfirmance mo na di maganda. Kahit sa government may ganyan din 6 months muna. Why dont you ask yung hr niyo what talaga nangyari
 
Back
Top