Ano po ba ang dapat pairalin ko po sa pasukan yung pagiging musician ko ba o ang academics ko. Naisip ko kasi na kapag piliin ko yung music mas marami akong makilala at magiging socialable yung buhay ko pero maging mababa yung academics ko. Habang kung academics naman mataas yung mga grades ko ngunit boring naman walang masyadong kaibigan. Ano ba yung mas tama?
Ang tama ay balansehin ang oras sa bawat gawain. Huwag yung focus lang sa isang bagay. Magkakaroon ng mas maraming benefits tulad ng mararanasan mo yung nasabi mong mga magagandang mangyayari(magiging sociable, maraming makikilala, at mataas na grades) at natuto ka pa mag time manage.
Aba, gifted ka pala sir. Nag eexcell ka sa dalawa. Bihira lang ang ganyan. Gaya ng sabi ng iba, pwidï mo balansihin lang. Wag ka lang mag full time sa music, baka maiwanan mo na academics mo.