What's new

Closed Nakakafrustrate na

Status
Not open for further replies.

Justareader2

Eternal Poster
Joined
Dec 5, 2019
Posts
1,366
Reaction
180
Points
427
Nafrufrustrate na ako. Meron akong PC desktop. Meron akong mamahaling laptop. Meron akong drawing pad. Meron akong bagong c15 na realme cp. Meron akong lumang cp na nakakapag access online. Meron akong extrang cp pantawag at pantext. Pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makahanap ulit ng panibagong trabaho. Para sa hindi nakapagtapos ng college at 75 o pasang awa ang general average sa math ng high school, maganda ang naging simula ko sa trabaho. High end at mga artista naging kliyente ko. Heart E., Jericho R., Ruffa G., Georgina W., maging si Eric Morales na dating kalaban ni pakyaw, at si bossing Vic. Maganda naging performance ko, katunayan, paborito ako ng babaeng boss ko. Siya mismo ang nagrequest na ilipat ako sa kanila. Ngunit nahilig ako sa sugal. Magdamagang tong it's, kaya kadalasan, absent ako sa trabaho. Hanggang sa natapos na nga ang limang buwang kontrata ko. Hindi ako naregularized, pero binigyan ako ng pagkakataon ng boss ko makabalik. Hindi ko tinanggap. Nag apply ako sa call center, natanggap ako. Pero tumaas man ang sahod ko, kulang pa rin ito dahil sa magdamagang pagsusugal, at madalas pa rin akong absent sa trabaho. Pero kaibigan ko ang supervisor ko. Kaibigan ko ang mga maiimpluwensyang agents at supervisors sa call center na pinagttrabahuan ko. Katunayan, Ilan sa kanila nalink sa akin, at yun isa nakarelasyon ko pa. Kaya kahit panay absent, at kulelat ang performance, naregularized ako. Samantalang maraming iba, mas magaling pa sa akin, ang naterminate. Pero hindi pa rin ako nakuntento. Naghangad ako ng bagay na akala ko makakamit ko ng hindi pinaghihirapan. Umalis ako. Lumipat ng call center. Pinuntahan ako ng supervisor ko, pinakiusapan na bumalik na. Gagawin nya lahat makabalik ako. Hindi ko tinanggap. Akala ko nasa tamang landas ako. Nabasa ko kasi, walang mangyayari kung mananatili nalang sa comfort zone. Minsan pala, may mga bagay na másáráp pakingan o basahin, pero pwedeng hindi applicable sa sitwasyon mo. Sa bagong call center na pinasukan ko, naging maayos naman ang performance ko. Katunayan, nagtop pa ako sa isang performance review namin at naregularized din ako. Pero hindi pa rin ako nakontento. Hindi ko naramdaman dun ang pakikitungo na naramdaman ko sa mga naunang kumpanya na napasukan ko. Kahit pa isa sa naging coworkers ko dun, binigyan ako ng Samsung cp saka P15k cash bago ako umalis. Umalis ako kasi akala ko makabalik ako na mas malakas, mas magaling, mas madiskarte. Mali pala ako. Maling mali. Kaya eto ngayun. Kung dati petiks lang sa akin maghanap ng trabaho. Minamani ko lang sa Ingles ang interviewer ko. Isang apply lang, tanggap agad. Ngayon, hirap ako.
 
[XX='Justareader2, c: 469476, m: 1626375'][/XX] rehab nga ,di lang naman sa drugs ang rehab ,kundi sa lahat ng nakakaadikan kahit computer games may rehab
 
[XX='Justareader2, c: 469482, m: 1626375'][/XX] haha same.lang naman tayo madaling maumay sa trabaho, mag business ka nalang , , kaso pa rehab ka muna babaliknat babalik kasi yan lalo na pag may pera ka ngnhawak ulit
 
Ang downside kasi master ThreadRipper kapag maghahanap sya ng ibang libangan, ay ma-a-adik lang sya kahit na may mabuting dulot pa 'yan kasi lahat ng sobra nakakasama. Best option is to rehab talaga, para marunong na sya mag control ng kanyang urge sa pagsusugal or anong habit pa yan.
 
Sayang ahh?,nasasayangan ako sa skills mo at mga natamo mong buenas noon ts, dapat talaga kapag ang tao nakakaginhawa sa buhay huwag maging kampante at bulagsak.
 
i agree with rehab, naadik sya kasi sa sugal which is the worse to be addicted with lalo na kung wala syang trabaho to support yung pagsusugal nya, he needs to change his perspective on how this addiction controls him, the rehab can also curve his egoistic side as i see it, pede to madale ng simpleng counseling as long as magiging strict yung participation nya, so it still boils down to his effort to be better may rehab man o wala
 
Last edited by a moderator:
Isipin mu nalang ang anak at asawa mu ,, sa isip mu kumain na ba sila pambili ko nalang gatas pampers mag iipon ako para anak ko think positive una unang my pamilya ka na pala sa kanila ituon ang oras mu isipin mu lage kung my pambili si baby ng kailangan nya
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top