Nasa sa iyo yan ts ang desisyon mo kung ano matimbang sayo.
Ganyan din nagyari saken gf ko nagloko syempre sobrang sakit non, Ang nangyari pa nag bunga yung ginawa nyang kalokohan at nung buntis na sya sinabi nya sakin at nagmakaawa at nanghingi ng second chance, Una ayokong ayoko kase ng sino bang lalaki tatanggapin pa yung ganong sitwasyon, Unan plano namin ipalaglag nalang at mag simula ulit , OO KASALANAN MALAKI
. pero buti naka guide yung mataas sa lahat ng desisyon sa buhay kaya di natuloy yung plano namen hanggang nailuwal yung bata. Masakit man tanggapin sa una pero di ko pwede sisihin yung bunga ng kalokohan nya kaya ayon napalapit ako sa bata, minahal ko yung bata ng buo. Although may mga times talaga ts na mag pa flashback lahat sayo lahat ng mali nyang ginawa depende nalang kung papano mo ihahandle, Ikaw nakakaalam kung sincere yung gf mo , Walang masama sa second chance lahat tayo makasalanan. Lahat tayo nakakagawa ng mali. So far after 4 years okay kami, 7 yrs na kami now pero natanggap ko na at napatawad ko na sya pero may pain pa rin at may trust issue pero kung handa ka sumugal go lang.
Di ko sinasabing tama desisyon may doubt pa rin ako di mawawala yon pero isinasantabi ko nalang as long as nakikita ko naman nagsisi at nagsisisi sya sa nagawa nya
At the end desisyon mo pa rin.