What's new

Closed Murder Case

Status
Not open for further replies.

lunatic

Army of the Galaxy 👨‍💼👽👌
Joined
Feb 14, 2017
Posts
10,326
Reaction
4,748
Points
2,734
#AstériKillingStories


Black Dahlia: Unsolved Murder Case

Umaga ng January 15,1947, isang hubo't hùbád na katawan ng isang babae ang natagpuang nakahandusay sa damuhang bahagi sa bakanteng lote malapit sa Leimert Park. Hati ang katawan sa baywang, at sinasabing pira-piraso rin ang iba pang bahagi ng kaniyang katawan. Dahil sa kalunos-lunos na sinapit nito, minabuting itago ng media at mga awtoridad ang kasong tungkol sa Elizabeth Short murder case, na mas kilala bilang "Black Dahlia" murder.

Sino si Elizabeth Short?

Ipinanganak si Elizabeth Short noong July 29, 1924 sa Boston, Massachusetts. Ikatlo sa limang anak nila Cleo Short at Phoebe Mae Sawyer. Maagang naulila sa ama sila Elizabeth nang iwanan nito ang kanilang pamilya. Kaya naman, bata pa lamang ito ay gusto na niyang makatulong sa kaniyang Ina. Gusto ni Elizabeth na mapabilang sa mga cinema balang araw. Kaya naman nang siya ay magdalaga, itinulak nito ang kaniyang sarili upang maging isang artista.

Sa mga ng taong 1940's, nanirahan si Short sa Los Angeles California at nagtrabaho bilang isang waitress. Syempre upang masuportahan nito ang kaniyang sarili kasabay ng pangarap nitong mapabilang sa mga Hollywood acting scene. Ngunit ang kaniyang pangarap ay hindi na natupad pa. At noong January 1947 nga, isang kahindik-hindik na trahedya ang naganap na siya mismo ang biktima.

Sa edad na 22, naranasan ni Short ang napaka-brutal na pagkamatay. Hinati ang kaniyang katawan, at walang awang pinag pira-piraso ang iba pang parte ng bangkay nito. Natagpuan din hubo't hùbád ang kaawang-awang si Elizabeth.

Bakit Black Dahlia?

Maraming mga kwento tungkol sa pinagmulan ng pangalang Black Dahlia. Ang sabi ng ilan, maaaring ito'y ay imbento lamang ng media upang maitago ang pagkakilanlan ni Short. May mga nagsasabi namang ito raw ay ipinangalan ng mga kaibigan ni Elizabeth Short sa kaniya. Ngunit ang mas pinaniniwalaan ng lahat ay kinuha ang Black Dahlia sa isang film na isinulat ni Raymond Chandler na Blue Dhalia, na siyang tumabo sa mga sinihan isang taon bago mangyari ang krimen.

Sige bakit Black at hindi blue? Ayon kasi sa mga awtoridad, madalas raw na nakikita itong si Elizabeth na nagsusuot ng itim na mga kasuutan. Ang ibang report naman sinasabi na isinunod ito sa itim na mga buhok niya.

Paano nadiskubre ang bangkay ni Balck Dahlia?

Ayon sa nakakita, umaga raw ng January 15, 1947 masayang naglalakad si Betty Bersinger kasama ang 3 years old na anak nito na nasa stroller. Nang akmang patungo na sila sa may shoe repair shop ay bahagya raw siyang napahinto ng makita ang tila manikin na nakahandusay sa may damuhan. Dahil sa pagtataka nito, ay mas nilapitan niya ito nang mabuti. At dito na nga niya nakita ang isang napaka-brutal na pangyayari. Pira-pirasong mga bahagi ng katawan ng isang babae. Kaya naman, agad niyang binuhat ang kaniyang anak at dali-dali tumakbo patungo sa kalapit na bahay. At dito nga'y tinawagan niya ang mga police.

Gaano kalala ang sinapit ng bangakay ni Black Dahlia?

Ang sinapit ng bangkay ni Short ay talaga naman nakakapanlumo. Maliban kasi sa pagkahati ng katawan nito mula sa baywang, pagka pira-piraso ng iba pang bahagi ng kaniyang katawan, at sinasabing tinanggal rin ang iba't ibang lamang loob nito tulad ng intestine. Hiniwa rin ang bibig nito mula sa kaliwa patungong kanang tainga nito. Kung familiar kayo sa Glasgow smile, ganito ang naging itsura ng mukha ni Short. Ngunit ang nakapag-tataka, walang makikitang bakas ng mga dugo sa crime scene. At ang bangkay naman ni Short ay napakalinis. Kaya suspetsa ng mga awtoridad, ang katawan ni Short ay mariing nilinis muna bago itapon sa crime scene. Dagdag pa nila, maaaring itinapon lamang sa crime scene ang bangkay ni Short at sa ibang lugar nila siya pinatay.

May mga kaparehong kaso tulad nito?

Marami pang mga kaso ang ikinakabit rin sa Murder Case ni Black Dahlia

Isang buwan matapos ang pagpatay kay Elizabeth, isang katawan naman ng babae ang natagpuan sa Los Angeles. At may mga circumstances na pareho sa kaso ni Black Dahlia. Natagpuan raw ang katawan ng babae sa damuhan ng isang construction worker. May itim rin itong buhok na katulad kay Black Dahlia, at puno rin ng mga pasa ang mukha nito. Pero sa pagkakataong ito, mayroong message na nakasulat sa may bandang tiyan ng babae. Inukit ito gamit ang pulang lipstick, "F**K YOU B.D" ang nakasulat rito. Sa ibaba naman nakasulat rin ang mga letrang "TEX". Agad naman ikinabit ng mga tao ang B.D na yan sa pangalang Black Dahlia. Ngunit mariing itinaggi ng mga awtoridad na magka-konekta ang kaso ng dalawang ito. Tulad sa kaso ni Black Dhalia, ang kaso rin ng babaeng ito ay hindi rin naresolba.

May suspect ba sa pagkamatay ni Black Dahlia?

May mga tao rin isinasangkot sa pagkamatay ni Black Dahlia. At isa na nga dito si George Hodel, isang physician na nagmamay-ari ng isang clinic sa Los Angeles noong 1940's. Pero dahil sa kawalan ng ebidensya, natigil rin ang kasong ito mula kay Hodel.

Ngunit mas napansin naman ang kasong ito ni George Hodel nang mamatay siya noong 1999. Ayon kasi sa anak niyang si Steve Hodel sa kaniyang libro na Black Dahlia Avenger: The True Story, nakasaad dito na ang kaniyang ama ang suspect sa pagkamatay ni Black Dahlia. Dagdag pa niya, akma raw ang handwritten na ibinigay na letter ng killer sa mga police sa handwritten ng kaniyang ama. Isa pa, ang mga hiwa o ginawang paghiwa ng suspect sa bangkay ni Black Dahlia ay angkop sa propisyon ng kaniyang ama bilang isang physician. Inilabas rin nito ang personal album ng kaniyang ama na kung saan, mga imahi ng nagka pira-pirasong katawan ng mga tao. Pero in the end, wala pa ring matibay na basehan upang tuluyang isara ang kasong ito.

Sa kasalukuyan, hindi pa rin tuluyang naririsolba ang kaso ni Black Dhalia. Nananatiling palaisipan pa rin hanggang sa ngayon sa kung bakit at ano ang dahilan ng suspect sa pagpatay kay Black Dahlia. Ngunit isa lamang ang sigurado tayo, isang napaka-brutal na pagpatay ang nangyari kay Elizabeth Short, na mas tatawagin nating "Black Dahlia" murder case.

"Reveal what the Fact is"

-Astéri

Source of DeepWebPH

(Ps. Di ko na naflex yung pic di ko alam kung pwede dito kasi nakakadiri eh)😂

Happy Halloween..
 
Oo grabe talaga eh kinawawa sobra.. hahaha pero may baon pa ako mention kita agad😂

sige basahin ko... ahhahaha ganyan yun guato ko murder murder... 😅 yaw ko katatakutan.. lol
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top