What's new

Muntikan na ako

Hamburger24

Forum Veteran
Elite
Joined
Jul 1, 2017
Posts
1,428
Reaction
3,679
Points
991
Share ko lang experienced ko kaninang 12 30am. Pasensya na agad kung magulo pagkakakwento hehe



Naglalakad kami pauwi galing 7/11 ng binunggo yung pinsan kong babae nung lalaking di namin kilala. Akala ko nung una ang pinsan ko ang kinukuha, dahil hinawakan nya ito sa magkabilaang braso at parang kinukuha sya. Pero biglang hinahablot ang phone nya, naging alerto ako agad at hinabol ito. Nadapa ako(dahil basa ang daan at umuulan) at saktong nadapa din snatcher at nabitawan nya ang cellphone, tumayo ako agad para kunin yung phone, pero nung akmang pupulutin ko may parang huhugutin sya sa tagiliran nya at itatama sa tyan ko. Pero di ko pansin nun dahil gusto ko makuha ang phone, pero ayun buti di nya nahugot at pasuntok lang ang nakuha ko sakanya. Di din namin nahabol dahil may biglang single na motor na dumating. Naireport na sa brgy kaso walang cctv.



S#$t 'di ko akalain mararanasan ko yung mga nakikita ko lang sa balita. Hanggang ngayon 5am na di pa rin ako maka get over/tulog. Hindi ko din talaga maramdaman yung mga sugat na nakuha ko sa sobrang galit. Ayos na din dahil walang nangyari masama samin. Ang suspetsa din namin ay baka minamanmanan na kami dahil nakasulubong nanamin yung nanghablot kanina nung nasa may 7 11 pa kami. Lesson learned na din tong nangyari samin tatlo at lalo na sakin dahil masyado akong kampante sa lugar na iyon.





Sa mga taga Balibago, Angeles jan ingat po. Baka sa mga Cabalen ko jan may mag alok sainyo ng phone na OPPO F11 color white sya sa likod at transparent case na may parang flower.
 
Last edited:
Ingat, swerte at di ka napuruhan. Tsaka kapag ganyan mahirap sumugal lods cellphone mo/ng pinsan mo o buhay ang kapalit kapag. If ever na mangyari ulit yan payo ko lang naman. I secured natin mga phone natin ng lock/passcode at kung may importanteng laman phone natin walang maka access. At kung mananakaw bigay na lang natin baka tayo pa ang madisgrasya. Mahirap na sa panahon ngayon 😢
 
Oo lods siguro dahil need nga ng pinsan ko ang phone dahil naawa din ako sakanya kanina dahil nandoon mga school works nya. Diko expect na mangyayari yun. Lesson learned na din talaga samin tatlo tong nangyari na to. Maraming salamat lods. Ingat palagi.
 
Buti nalang dika nasaksak pag ganyan lods bigay mo nalang phone. Sa susunod wag labas ng labas ng phone sa daan habang naglalakad
 
Oo lods. Nagulat ako eh, sabi netong cous ko nasa gilid nalang nya di nya gamit. Kaya na suspetsa nanamin na minamanmanan na kami nung mga yun kanina pa dahil nadaan nanamin yung snatcher kanina sa may 7 11.
 
Nowadays talaga, dapat may dala ka ng pocket knife or pepper spray for self defense.

base nga sa survey, Philippines joined the most unsafe countries among syria, iraq, etc.
 

Similar threads

Back
Top