What's new

Closed Miss Manila reposts memes of herself telling Miss Universe PH panel: "Wait, kailangan ko huminga.

Status
Not open for further replies.
1603795537771.png


Nabigo man si Miss Manila City Alexandra Abdon na masungkit ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. crown, tagumpay naman siya pagdating sa netizens na ginawan siya ng mga meme at spoof.

Si Alexandra ay 25-year-old pageant newbie mula sa Sampaloc, Manila.

Tumatak si Miss Manila sa mga masugid na sumubaybay sa pageant dahil sa kanyang performance sa preliminary Q&A ng Miss Universe Philippines 2020.

Sa portion na iyon, sampung tanong ang ibinabato sa kandidata para subukin ang galing nito sa pagsagot sa loob ng 30 segundo sa bawat katanungan.

Layunin ding makita rito kung kaya ba ng kandidatang ma-sustain ang composure nito kahit under pressure.

Sa kaso ni Miss Manila, animo'y katropa lang niya ang mga panelista nang harapin ang mga ito sa Q&A noong prelims.

Umpisa pa lang ay kuwelang hirit niya, "Wait, kailangan kong huminga!"

Malayo kasi ang nilakad niya mula sa holding area ng Miss Universe Philippines candidates, at may paakyat pang hagdan patungo sa area ng mga panelista.

Natawa rin ang mga panelista kay Alexandra, lalo nang mag-timeout siya sa gitna ng Q&A.

Nang hindi agad makaisip ng sagot, kuwelang pakiusap niya, "Wait! Puwedeng i-pause ang time?"

Taglish ang ginamit niya sa pagsagot sa questions.

Nag-trend si Miss Manila nang kumalat ang video clips ng kanyang prelims performance.

Tila tuwang-tuwa naman si Alexandra na makitang marami siyang napasayang netizens dahil sa kanyang "chill" at "katropa" na attitude sa pageant.

Sa series of Instagram Stories ni Alexandra, ni-repost niya ang iba-ibang memes kunsaan sinabi niya, "Wait, kailangan ko huminga."

KAPAG OVERWHELMED SA WORK OR SCHOOL LOAD​

On-point reaction daw iyon ng mga estudyante kapag nahaharap sa modules para sa kanilang online classes.

O kaya naman ay kung Lunes na at panibagong bakbakan na naman sa school o trabaho ang haharapin, pasok din daw ang statement ni Miss Manila.

1603795569848.png

1603795577137.png

Open-air kasi ang holding area pati na ang ang puwesto ng mga panelista kaya lamig na lamig ang mga kandidata.

Si Miss Manila, sinubukan pang ipapatay sana ang aircon sa holding area, pero hangin mula sa labas pala talaga ang pinanggagalingan ng lamig.
 

Attachments

Status
Not open for further replies.
Back
Top