tugma at dapat lamang na ganyan ang ating nakikita.
marami kasi sa atin ang nakangiti ngunit malungkot pala
mahirap din magkunwari..
masaya ka kunwari.
pero mas mahirap yung
nagsisinungaling ka mismo sa sarili mo
hindi masamang ipakita o ipaalam
sa mga tao at sa kapaligiran
ang kung ano at ano ang iyong nararamdaman
dahil kapag ito ay kaya mong ipaglaban
dun ka na nila maiintindihan
maraming sikreto
pero walang sikreto
ang di nabubunyag.
tama at ang lalim na yan
ang magsisilbing hugot mo
para sa susunod na pagbaon
ng mga bawat salita na iyong bibigkasin
ay maramdaman niya ng buo ang iyong pagtingin
maraming dahilan ang salitang sikreto
sikreto minsan natututo tayong
manloko.. ibig sabihin
kaya nating magsinungaling
hindi lang sa kapwa natin
kundi sa mismong sarili din.