Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Paano ba kayo? Matagal na ba kayo magkakilala? Magkaibigan ba kayo? Kasi kung may pinagsamahan na kayo, malamang sa malamang ay may nadevelope na rin syang pagtingin sayo. Baka nga gusto ka rin nya. Pero sa kabilang banda, mas gusto ka lang nya bilang isang kaibigan. Kung recently mo lang sya nakilala, baka nga nabigla lang sya sayo o nahiya lang sya. Ikaw ba naman sabihan na gusto ka ng isang tao, eh di mahihiya ka rin di ba?