- Joined
- Dec 2, 2016
- Posts
- 859
- Reaction
- 426
- Points
- 290
mahirap talagang maintindihan ang mga babae.. tayong mga lalake naman napaka submissive na kahit walang kasalanan nag sosorry para lang walang mapag talunan hahaha.. mag tatrabaho ka maghapon, pag dating ng bahay ikaw pa ang mag aasikaso hanggang sa pag huhugas ng pinggan ikaw pa din. rest day mo ay linggo.. yung isang araw na yun, hindi mo din masasabing pahinga kasi yun ang araw kung saan mag papaligo ka ng mga alagang aso, maglalaba ng mga damit nyo pero madali lang naman kasi isasalang mo lang sa washing machine at pag tapos eh isasampay mo na lang. so wala kang reklamo. pero pag ikaw gusto mo naman na medyo ma relaks, makikipag kita ka lang sa iisang kaibigan mo (best friend), at mag shot ng tig 2 bottles at makikipag kwentuhan lang at uuwi ka din naman agad at hindi aabutin ng 11pm, (once a week, 2x minsan or minsan wala), galit na agad. ano ba sa palagay nyo mga girls baket ba galit kayo agad sa mga ganyang simpleng bagay? baka kaya nyong mai explain saming mga lalake kung ano bang nakaka trigger sa inyo sa ganun?