Hello po, sa mga tatay jan or mga 1st time na naging ama.
Ano po maipapayo nyo sa akin to handle this? Kasi po kabado ako baka mapahamak mag ina ko.
Ready naman po kami di lang maiwasan ung kaba and takot.
Salamat po.
RH o new born screening sir. First and foremost talaga.
Susunod, VUL insurance (educational plan), para di pa lumalaki si baby may pang tustos na sya.
Baby proofing your home tapos proper training for parenting din mahalaga. (si uncle YøùTùbé pwede dyan)
Lastly, fixing your finances. Bawas overhead o extravagant expenses tapos save lang.
Ahahah ganda ng iba comment dito. Ung iba nman nanakot. Anyway new tatay rin aq. Mppayo ko sayo. Tiwala sa panginoon. Do the good thing and God will do the rest.
Congrats sayo tol, ako may biyaya pero di pinalad. Alagaan mo sa pagkain at therapy lalo first 3 months sobrang critical. Pag sinabing need itaas ang matres itaas mo.
Congrats brad.By the way dalawa na anak ko. Share ko lang
Lagi sinasabi sa tin ng mga matatanda na dapat handa ka bago ka mag asawa
Ang nangyare sa kin ay unwanted. No idea ako at biglaan lahat Actually sa first 2 years ng anak q. D pa mag sink sa kin na may anak na q. Ginagawa ko pa din yung mga ginagawa nung binata ako.
Pero napatanuyan ko sa sarili ko na dadating at dadating ang isang rason o dahilan o pwedeng biglaan na lang na mababago mo un mga nakasanayan mo.
Sa kin nagising ako bigla na kaya ko ng gawin ung mga bgay na ginagawa ko nung binata pa ko
Ang punto ko dito. Wag mo na iapply sa kasalukuyan ung mga habit mo nung binata ka pa na papatay o sasayang ng oras mo.
Malaki na ang responsibilidad mo.
Ikaw ang provider n ngayon. Ang sahod mo ibigay kay misis. Magtira ka lang ng onti .
Ay nga pala. Pag nanganak yan asahan mo sa mga susunod na buwan maaaring maging mainitin ulo ng misis mo , ntindihin mo na lang
Postpartum yan.
Along the way matututunan mo lahat. Ung mga comment dito ay Guide mo lang. Kasi at the end of the day , nasasayo pa din kung paano ka magiging tatay at asawa.