I just lost my 4 months old dog. 4 months palang pero masyado ako apektado. Nag reregret ako kasi na sana kahit 2 years or 3 years dun na lang sya nawala sakin. Pero bat ang bilis di man lang nya natry lumaki at di ko man lang naibigay lahat sa kanya.
Ayun, nakakaingit lang yung iba at tumatagal aso nila ilang years. Pero yung aso na minahal ko talaga, inalagaan ko, pinag prapray ko lagi na lumusog at lumaki ng maayos, nawala agad.
ganyan din nangyari sa kapibahay namin 3 months aso nya nung namatay simula nun di na sya nag alaga. Nakakasama lang daw ng loob.. Pag namatayan daw uli sya
ramdam kita TS, masakit talaga yan, naranasan ko na din yan, 1 year and 1 month old naman yung namatay kong alagang asong chihuahua, biglaan ang pagkakasakit, labis na nakapanlulumo, nagpalipas muna uli ako ng ilang panahon bago nag-alaga uli,
yung nga boss eh, wala naman ako magagwa at tingin parents ko dun aspin lang tas sayang daw pera. Stuednt palang ako kaya wala akong pera. Nang hihinayang lang talaga ako.
yung nga boss eh, wala naman ako magagwa at tingin parents ko dun aspin lang tas sayang daw pera. Stuednt palang ako kaya wala akong pera. Nang hihinayang lang talaga ako.
mag 4 weeks na pero nakakadepress pa din. Dami ko pa namang sanang plano para sa kanya. Kung pede lang ipalit mga materyal na bagay na meron ako ngayon ginawa ko na sana.