Ka-PHC, sino marunong mag-unlock ng SD card? May nakalkal kasi ako sa baul na lumang SD card dati ng Nokia phone ko at gusto kong ma-retrieve yung laman kaso nakalimutan ko na yung password kasi 2013 ko pa siya huling nagamit. Hindi siya nadedetect sa android phone at PC, pero kapag nilagay naman sa Nokia, nadedetect siya tapos nagrerequest ng password kahit i-format ko. Nagresearch na ako sa Google ng kung anu-anong software like Nokia BB5 para mag-read ng password kaso hindi umubra. Patulong naman po sa nakakaalam. Maraming Salamat ldman: