Good day mga sir and maam sino po sa inyo nakapagtry ng lineageos s android any brand? Paturo kung paano procedure at feedbacks po regarding dito sa os na ito. Or any alternative os na pwede nyo isuggest basta huwag lang po google related os.
I am planning to degoogle my phone due to security purpose.
Basta supported device mo yung Lineage OS, pwede mo i-flash yan. Meron naman silang instruction dun sa webiste nila, kasama na din yung custom recovery nila na gagamitin mong pang-flash ng rom. Kailangan mo din mag "signature spoofing" kung gagamit ka ng microg.
Ako natry ko na sa samsung s4, Samsung s5, redmi note 4x at cherry mobile g1.. Ang masasabi ko lang ay lahat depende na sa developer ng device yan kung makakapag apply sya ng official tag para sa build nya (maselan sa codes ang lineage team).. Mostly ang official builds ay vanilla builds (no gapps included).. Kapag unofficial builds nmn ay may mga tweaks, modified codes, mods etc... Suggest ko, iwasan mo ang Mediatek devices.
Kung available yung dalawang custom rom na yan para sa phone, okay yan pareho. Yung Lineage OS kasi parang stock android sya na walang customization, samantalang yung Havoc OS naman madaming customization.