What's new

LALAKING WALANG PLANO

Di ka mahal nyan, sarili lang nya! Dahil ang pagmamahal give and take! Kung ikaw lang yung ganun, ikaw ang dapat magising sa katotohanan na hindi na magbabago yan, usually mga spoiled child mga yan ayaw mahirapan ayaw mapagalitan kaya mas gusto sa bahay lang.
 
Ang tanong may potential ba sya? Sa tingin ko meron naman diba kaya ka nagstay?
Baka need nya lang ng encouragement and purpose, minsan kasi may mga tao na di aware sa situation nila dahil komportable sila sa kung ano meron ngayon and unless nandyan na yung pating sa likuran nila doon pa lang kikilos, common and normal lang din po yon kasi di naman lahat ay perpekto.

Pwede rin na anxious lang talaga. Kahit nga madaming skills na tao minsan sila pa ang madalas na mababa ang self-esteem. Iwasan mo din ang katatanong kung ano na ba, dapat straight ibuild up mo nalang yung self-esteem nya through encouragement and compliments kahit na ganoon ang sitwasyon nya. Iwas din sa negativity kasi dinadamdam yan ng mga mahina ang self-esteem.

Sometimes it only takes one remarkable compliment para maapektohan yan, lalo pa sa mga lalaki, kahit one time lang na icompliment mo sila di nila ito makakalimutan 😏
 

Similar threads

Back
Top