What's new

Kwentuhan TIme

mokong80

Honorary Poster
Joined
Apr 30, 2021
Posts
600
Reaction
313
Points
180
Si Rikardo ay isang mabuting nilalang. Sya ay matulungin sa kapwa.
Nang mamatay si Rikardo, hinarap nya si San Pedro sa langit. Nagtaka si Rikardo at nagtanong kay San Pedro.
Nasaan po ako wika nya. TUmugon si San Pedro ikaw ay nasa langit iho dahil ikaw ay namayapa na.
Bahagyang nagulat si Rikardo at nalungkot. Kanyang itinanong kay San Pedro kung maaari ba syang
bumalik sa lupa upang makapag-paalam sya sa kanyang pamilya at mga anak.
Dahil sa kabutihan ni Rikardo pinagbigyan ito ni San Pedro at sinabi, " Rikardo, dahil sa ikaw ay naging
mabuting tao nung ikaw ay nabubuhay pa, hahayaan kitang bumalik sa lupa ngunit bilang isang manok."

Agad na pumayag si Rikardo. At sa isang iglap sya ay bumalik sa lupa bilang isang manok.
Habang nasa lupa sya ay nakita nya na nasa mabuting kalagayan ang kanyang mga anak at asawa.
Masaya si Rikardo na malaman ito.
Ngunit biglang may naramdaman syang kakaiba sa kanyang katawang manok.
Unti-unting umiinit ang kanyang katawan at tila ba sya ay napapa-putak.
"Bak-bak-putak" ang tunog na lumabas sa bibig ni Rikardo na ngayon ay isa nang tuka.
Napansin na lamng ni RIkardo na sya ay tila bang Nangingitlog. Hindi malaman ni RIkardo ang kanyang nararamdaman.
Pinilit nyang umire upang mailabas ang itlog. Nararamdaman nya ngayon ang pakiramdam ng isang nanganganak.
Hanggang sa bigla nalamang may humampas sa kanyang ulo na isang matigas na bagay....
Narinig nya na lamang ang mga katagang " hayup kang Rikardo ka! At dyan ka pa talga tumae sa higaan natin!!!".
Nalaman nyang sya ay buhay pa at nananaginip lang.
WAKAS....
 
potek... natatae dahil sa panaginip 🤣🤣
 
Last edited by a moderator:

Similar threads

Back
Top