Lagpas isang taon na pagkatapos ko mag apply di ko padin nakukuha yung national ID ko. Kahit sa Post Office ng bayan namin wala padin. Kamusta naman sa Inyo?
hahahaha wag naman. sinabay ko kasi sakin dati first dose ng vaccine at PSA National ID. yung kasabayan ko na workmate, 3months nakuha na niya. kaya nag tataka ako eh, sabat naman kami nag register, higit isang taon wala parin hahahahahha.
Nung kumuha ako ng National ID ng Mama ko.. tinawagan sya kaso wala sya sa bahay kaya ako nautusan kumuha sa mismong Munisipyo.. last year pa ata yun matagal na.. nandun lang nakatambak sobrang dami.. napaisip ako nung time na yun bakit di nila ideliever sa mismong mga bahay? hindi yung tatawagan lang nila.
Wala pa. Mas okay sana kung makukuha agad yung I'd, parang sa pag-ibig, print nila tapos bigay agad. Maganda sana tong national id kaso walang diskarte mga taga-PSA. Honest comment ko lang po.