Ok sa pagsagot ng tell me about yourself, huwag ka na mag-good morning, etc, sa simula yun sinasabi kapag meet mo ng interviewer, hindi na rin kailangan sabihin personal info kaya huwag mo na banggitin age mo, so kung programming ang work at fresh graduate simulan mo siya sa education I graduated at... idagdag mo achievements mo sa school, mga malaking naidulot sa'yo ng pag-aaral ng IT. Sunod tungkol sa internship, ano role mo, mga achievement, nagawang software at purpose nito, mga na-enjoy mo. Sunod emphasize mo yung interest mo sa programming, ano ginagawa mo ngayon para mapaunlad kaalaman. Sunod idagdag mo ibang pinagkakaabalahan mo at panghuli kung bakit mo gusto yung position you are applying for.