Nag Graduate ako ng BSIT last year, at dahil dun bumilis ako mag type at nakakaintindi ako ng mga technical terms about computer/techs gumaling ako sa accounting at magcompute, madami ako nalaman tungkol sa history Natapos ko 4 years ng walang sariling pc, naging dean's lister din ako ng 3 sem. PERO ngayon, nasa call center ako at hindi ko nagamit yung course ko as an edge para sa trabaho, At tuluyan ko na ring nakalimutan sina java, android at iba pa. Kaya naramdaman ko lang na mali yung naging choice ko, hindi dahil sa hindi ko winork out, but because hindi ko naisip yung posibility at available resources ko. Nadala ako ng bugso ng damdamin, napasama sa barkada, at hindi napag isipan ng maiigi. Share ko lang hahaha kaya payo ko sa mga mag aaral, Isipin nyo muna mabuti ang course nyo, hindi lang dahil sa gusto nyo o dahil nandun mga kasama nyo. Isipin nyo fasion nyo, kung anong pwede mong pagyamanin(existing talent/skill) and be futuristic, dahil and course na pipiliin mo ang pinaka unang hakbang mo para umasenso ang buhay mo at matupad ang pangarap mo.
Goodluck everyone!
Goodluck everyone!