Ingat po TS iwas na Lang sa away, if ever maulit dun ka lalaban by informing sa barangay hall for record, if nagkapisikalan na (wag Naman sana) tawag ng police and then magsampa kung Anong ginawa niya.
May tao talaga mahilig maghamon Ng away. Ingat palagi TS at keep us updated
Alam mo dapat kasi nagpakumbaba ka na lang at gawin mong kaibigan si neighbor.
Love thy neighbor di ba?
Nasa 10 commandments yan. At yan ay isa sa pinakamakapangyarihang utos na pumapatay sa masasama, na hindi naiintindihan ng mga hindi naniniwala, lalo na sa Dios na syang nagbigay ng kautusan sa mga tao.
Kung ang scene sana ay ganito e di walang sakit ng katawan at ulo e di may peace and harmony:
Scene:
Neighbor: (Mainit ulo) Bakit ka ba nag walis dyan na alam mo namang maalikabok at pwedeng malanghap namin yan at makasama sa kalusugan?
You: Ayy uu nga bro... bawal nga pala ang ganito sa environment, sorry at nakaperwesyo ako sayo hindi na mauulit brod., para makabawi ako sayo brod pwede bang magsalosalo tayo mamaya sagot ko na. Kain tayo mamaya papabili ako ng made to order na pansit at maiinom na juice.
Conclusion:
Sa huli mahihila mo pa sya na magpakumbaba din at magkakaroon pa kayo ng mabuting pagkakaunawaan at magiging kaibigan mo pa sya SOON at dyan wala ka ng magiging kaaway pa na neighbors.
Verses:
Ibigin mo ang Iyong Kaaway
(Mateo 5:43-44)
43 Narinig ninyong sinabi: Ibigin mo ang iyong kapwa at kapootan mo ang iyong kaaway.
44 Ngunit sinasabi ko sa inyo: Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway. Pagpalain ninyo ang mga napopoot sa inyo. Gawan ninyo ng mabuti ang mga nagagalit sa inyo. Ipanalangin ninyo ang mga umaalipusta sa inyo at ang mga umuusig sa inyo. 45 Ito ay upang kayo ay magiging mga anak ng inyong Ama na nasa langit sapagkat pinasisikat niya ang kaniyang araw sa mga masama at sa mga mabuti. At binibigyan niya ng ulan ang mga matuwid at ang mga hindi matuwid.
(Roma 12:20)
Kaya, “Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo. Kung siyaʼy nauuhaw, painumin mo. Dahil kapag ginawa mo ang mga ito, mapapahiya siya sa kanyang sarili.”
Note:
Mas powerful ang salita sa Biblia higit kesa sa ating mga naiisip.
Edi lumaban ka ipakita mong lalake ka para malaman nya kung saan sya lulugar alam mo kapag di ka kasi pumalag at di mo pinakita pagka lalake mo babastusin at babastusin ka ng mga yan
Totoo Yan boss na try ku Hindi pumalag , ayon palagi akong binabastos ,kahit Mali mo man dapat labanan mo kung hinahamon ka , Kasi pag ignore ka bubullyhin ka .
Totoo Yan boss na try ku Hindi pumalag , ayon palagi akong binabastos ,kahit Mali mo man dapat labanan mo kung hinahamon ka , Kasi pag ignore ka bubullyhin ka .
Wag patulan. Inggit yan sure ako, ganyan din kapitbahay namin, usually matanda na marites yan na may asawang matanda din. Umaasenso ka, naghahanap lang yan ng away kasi inggit sila na makita kang umaangat sa buhay. Masanay ka na sa mga ganyan.