What's new

Help

Alam ko mga Russians magagaling yan. Search mo sa google mga technique nila. Kumbaga sa basketball natin, sa kanila, chess ang mas sikat.
 
Bili ka ng Chess book at Chessboard, saka gamit ka ng chess engine for analysis of opening, middlegame, endgame. Magbasa ka rin ng mate pattern, recognize tactics and strategies, mag solve ka ng chess puzzle. Ewan ko lang kung hindi ka pa gumaling nyan.
 
Focus ka sa basic skills muna.
-develop mo ung skills mo sa tactics sa pamamagitan nang pagsolve nang mga puzzles.
-basic endgames katulad ng mga rook endings, knight and bishop mate , pawn end games(square rule) etc.
-tapos sa opening e4 as white ka muna kasi andaming nasasakop na basic ideas yun tulad nang control the center, magandang pawn structure. Mag castling ka as early as possible(for king safety) ,develop ng mga piyesa atbp.
-manood ka ng mga laro ng mga Grandmaster tulad nila Carlsen, Wesley So (kababayan natin) atbp. Try mo intindihin ung mga laro nila kung bakit ganun ung moves nila.
- ang pinaka iwasan mo dapat ay magkabisado agad ng mga theories sa opening. Mga basic muna pagtuonan mo kagaya nung mga nabanggit ko. Kasi un ung mga fundamentals mo na dadalhin mo kapag medyo advance ka ng player.
-nood ka videos sa YøùTùbé andami dun.
-sa books download mo
My System by aron nimzowitsch at silmans endgame

-at ang huli i-enjoy mo.

Para sa practice pwede kang maglaro sa chess.com at lichess.org alinman sa dalawa na yan.
 

Similar threads

Back
Top