Binilhan ko po kasi yung anak ko ng 100 dias, pero siguro sa pangalawang araw ata yun, kinain yung 10 dias nya, 90 nalang.. Then makalipas ang ilang araw from 90, naging 54 nalang.. So,tinanong ko xa kung may ginalaw ba xa or what para magbawas dias nya, wala naman daw..
Pahelp naman po sa mga ml player jan, di kasi ako nglalaro nun gusto ko lang bilhan ng dias anak ko kaso kinain, ano po kaya posibleng dahil dahilan ng pagbabawas ng dias nya?
Eh yung from 90 to 54 na bawas? Pano kaya yun? Nagalit na nga ako sakanya kasi sabi ko kokompletuhin ko yun para makabili xa kahit yung tig 269 dias lang, sabi nya hindi daw talaga nta ginamit..
[XX='I am Ron, c: 81658, m: 1284404'][/XX]
may event ngaun si moontoon 30+dias amount nun pag unang spin baka dun ginamit hehe, ang problem kasi sa moontoon walang logs kung saan ginamit ang dias
[XX='sunstrife, c: 81664, m: 352743'][/XX] yun nga ang hinahanap ko para tingnan kung ginamit o nagamit ba talaga nya kaso walang log eh.. Anyway, sa aunod nalang uli, sisiguraduhin ko ng kompleto na 269 bago ko bilin, para purchase agad ng skin.. Hehe anyway salamat po sa sagot..
Tinatakot ko na nga eh kaso hindi daw talaga.. Hehe, kawawa naman kung pipilitin ko, anyway salamat bos..
Wala bang hidden charge ang ml? I mean, imposible bang mangain xa basta basta
Baka po may ibang gumagamit Ng account nya sa other device or Siya mismo nabili Nyan. Kasi Hindi magbabawas ang Dias pag Hindi Naman nagagamit eh Baka ni spin nya don sa epic draw