What's new

Closed Hands Off Our Children FB Page

Status
Not open for further replies.
Dahil sa palitan namin ng kuro-kuro ni Fried Rice tungkol sa mga tinanggal na pages ng FB, na-curious ako at napabukas ulit ng Facebook. Bumisita ako sa bagong gawang page ng Hands Off Our Children PH, eto kasi yung questionable ang pag-takedown na konektado sa AFP. Eto nakita kong mga pictures na naka-share sa bagong page:

FB_IMG_1601578963328.jpg


FB_IMG_1601578917574.jpg


Personally wala naman ako nakikitang paglabag sa free speech. Plain and simple propaganda against the communists. Meron ding isang picture dun ng napatay na miyembro ng NPA na miyembro rin ng LFS. Panloloko? Depende sa tao 'yan, propaganda nga eh. Pwede magdemanda ng cyber libel yung Makabayan Bloc kung tingin nilang nasira imahe nila o na-red tagging sila.

Wala rin naman pinagkaiba sa page ng Silent No More o yung meme na kumakain si Duterte sa kainan ng aso o yung nagsasabing berdugo si Duterte. Nakakagalit o tingin mo panloloko o kasinungalingan depende sa paniniwala mo pero ako ito-tolerate ko 'yan kasi kasama sa freedom of speech.

Coordinated inauthentic behavior? Yung pagbabayad sa FB para magpa-boost ng page o yung nag-usap-usap na imass report yung page dati ni Mocha hindi ba coordinated inauthentic behavior yun?

Ang stand ko, let a hundred ideas flourish. Hindi ko pipigilan mag-post yung mga flat-earthers, si Quiboloy, si Larry Gadon, si Chel Diokno, si Leni, mga communist sympathizers o mga Satanista. Hindi ko irereport yung page nila para i-takedown porke't kontra sa paniniwala ko. Sasagutin ko ng tamang impormasyon ang tingin kong misinformation.

Private space ang FB so magagawa ko lang ay hindi ako bumisita sa site nila. Dito na lang ako sa PHC tatambay. Pero sana i-check ni Duterte pag-manage nila ng site. Hindi yung sila nagdidikta kung anong content lang ang pwede o hindi.

Haba na ulit ng post ko. Naparami ng kape. Kthnxbai!
 

Attachments

ako di na makikisali sa politika sasakit lng ulo natin kapag pumili tayo ng side, either sides has arguments, kaya pagdating sa ganito humahaba usapan
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top