What's new

Getting depressed. Always thinking someone I love will die soon.

chrodechild14

Addict
Established
Joined
Mar 22, 2013
Posts
41
Reaction
6
Points
74
Hi, I am 29 years old

Since ng about 22 ako mga ganun there are times na palagi kong naiisip na mamatay yung mga mahal ko sa buhay.

Kapatid ko, Tatay ko, Nanay ko.
Ngayon na 29 na ako. Everytime na may nararamdaman masama yung tatay at nanay sobrang lungkot yung nararamdaman ko nadedepress ako every night na ganun nga mangyayari.

Dumadagdag pa sa depresyon ko yung naging unemployed ako ngayon dahil sa covid19 at sa nextyear pa ulit ako makapag work dahil wala talagang PUV o mga bus sa amin.
Nakatapos ako ng college ng 27 ako naka dalawang course ako.

Nagwork ako sa upwork after ok lang nagkakapera ako nagka ipon ako ng halos 500k after 1year+
Halos nakagastos ako ng 150k+ tas another 100k+ sa ex ko na niloko ako.
Nagsisi ako kasi hindi ko man lang naisip mga magulang ko na kahit paano nakatulong sa knila yung pera na yun.
Then after that nawala yung work ko sa upwork at nagwork ako sa IT company sa manila at nawalan ako ng work dahil sa covid.


Natatakot ako na mawala sila na hindi ko naibigay sa kanila yung mga dapat na ibigay ko mas pagaanin buhay nila
Ngayon medyo hirap kami. Pero nakakaraos sa araw araw.
Pero yung buhay na pinapngarap ko sa kanila di ko alam kung Maabot ko pa.

As time goes by lalo sila tumatanda nagkakasakit and lagi ko naiisip na mawawala sila kinakabahan ako araw araw anxiety ko laging mataas.
Sa gabi lagi ako nag iisip.
Kaya minsan dumadating ako sa point na sana mas mauna ako mawala kesa sa kanila.

What are your thoughts? Di ko alam bakit ganito ako magisip sobrang close ko sa Family ko i mean kahit sa kaninong mahal ko sa buhay. Sobrang lambing ko nanay at tatay ko.
Kaya minsan yung personality ko na yun pinagsisihan ko.
 
Same, na feel ko rin yan sometimes. Especially these days. Pero nakakalimutan ko rin kapag nabubusy ako. Kapag gabi at natutulog sila, palagi kong chini-check kung okay lang ba sila. Kapag nag snore sila, natatakot ako. Yung term jan is "paranoid". Nagiging paranoid tayo na baka ...
Advice ko lang, always pray. Wag mawalan ng pag asa. There's always hope and there's always a way. Do not give up.
20 years old pa lang ako pero matanda na parents ko kaya nagiging paranoid ako hahah, 14 years gap namin ni kuya at 12 ni ate. Kaya ayoko ma iwan.
 
Nowadays, mabilis na maanxious or madepress ang mga tao due to pandemic, loss of jobs etc. which is normal. Hindi lang kasi economical at health ang affected ngayon pati narin ang psychological and emotional aspect natin.

Ang advice ko lang sayo TS. Always think that no one can predict the future, if you spend the present moment worrying the future, you are robbing yourself of your time now.

Instead of worrying about sa parents mo why not spend time with them, cherish all the moments.

About naman sa work and pera technique dyan is learn how to be contented. Kung tamang nakakaraos lang sa pang araw araw all good na yun. Lahat tayo dumadaan sa hardship ngayon TS. all we need is to be resilient.

Tandaan lagi, lahat ng bagay ay lilipas din so yung nararanasan natin na hardship ngayon it will be end too soon :).
 
Alam mo pre sa totoo Death is a social construct, meaning tyo lang nagbibigay ng pahiwatig sa kamatayan. Nakakatakot ang libing kya hindi ka dadalaw, nakakatakot ang kabaong, takot sa multo,maligno,at lukoluko. Sino ba naman ang gustong mabuhay ng sobrang tagal? May mga taong takot na takot mamatay pero hindi naman talaga tuluyang nabubuhay. Zombies ang tawag dun. Pasok trabaho, inom,kain,tulog, repeat. Jusko, umakyat naman sila ng bundok, o sa magdagat, o maghanap ng kabit para may mapanood uli tayo sa Tulfo.

Sa taon na to 3 namatay na kamaganak ko, nakarami na ko ng sopas at pansit sa dami ng mga lamay na napuntahan ko pati na rin sa mga barkada may laging namamatayan. Pero alam mo ba, pagkatapos ng lamay ng ama ng isang barkada, nagairsoft kami (coping mechanism din siguro nya dahil sa pagkamatay ng yumaong ama). Ganun ang buhay eh, may namamatay pero hindi katapusan ng buhay natin. Hindi natin matitikman at sarap pag walang konting hirap (Ex: Think Sogo, ung paglilinis ng kwarto hindi ung iniisip nyo hehe, o ung pagluluto ng kare-kare na maraming sibuyas, o ung pagiigib ng tubig para panligo) lahat ng bagay mahirap pero pag dating sa tuktok mararanasan mo rin ang sarap. Yan ang nagbibigay ng value sa buhay natin. At sa totoo hindi naman huli ang kamatayan, namatay ang tatay ko pero 10 taon na buhay pa rin sya sa puso't isipan ko, at lagi ko pa rin pinapatugtog ang paborito nyang "Butsikik". Enjoyin mo lang ang oras na kasama sila, dahil un lang naman ang mahalaga para wala kang pagsisihan balang araw. Isipin mo kung walang kamatayan, di buhay pa rin si hitler, si Judas Escariot, at ung mahilig umutang tapos tatakbo nalang na taga samin.

Hindi rin natin utang sa iba ang kaligayahan sa buhay at hindi rin dapat bayaran un. Ang mga magulang mo masaya na sila na nandyan ka, dahil buhay ka pa naman. Ikaw ang may susi ng kaligayahan mo, (pwede rin gin C2,dun naman ang kaligayahan ko). Hindi mo mapleplease lahat ng tao pero pwede mong subukan sa abot ng makakaya mo, kahit na kamutin mo lang ang likod ni lolo o alagaan at pang****** ni lola eh mapapasaya mo na sila. Sa trabaho naman, wag mo isipin yan pre, kailangan pa rin natin ng pulis, bumbero, barangay tanod, ususero, professional tambay, newspaper delivery, call center agent,nars, sundalo,IT, programmer,stock broker, holdaper, at taga sigaw sa jeep pagkatapos ng Covid. makakahanap ka pa rin ng trabaho,tyaga lang.Datapwat mahirap ang taon na toh,makakatayo pa rin tayo. Babangon Tayo!! (nescafe).

Susunod pre, be greatful with what you have right now. Ako nga hindi na kagraduate ng kolehiyo pero umayos naman buhay ko(maraming girls ang bumubuhay sa akin) pero joking aside dahil lang sa paghahanap ko ng trabaho nakahanap na din ako, pero naubos din lahat nung covid kakastock ng *******, facemask, at payless instant mami. Pero kahit man lugi plinano kong magbukas ng negosyo, so sa totoo ikaw rin ang susi ng iyong tagumpay. Basta may buhay, may pagasa. Bow.
 
lupit sir, tama nga naman, pahalagahan natin yung oras na meron tayo ngayon. Paulit ulit nga lang sinasabi nung iba na 'life goes on'. Much better kung libangin nalang natin sarili natin s aibang bagay, yung malalayo tayo sa ganung thinking. Kahit ako nararanasan ko yung tulad ng kay ts, pero mas pinipili ko nalang isipin 'ay mahalaga nandito sila, kung dadating man yang ganyang panahon, acceptance nalang'
 
minsan naiisip ko din yan, na what if. pero lagi ko nlng iniisip na napapagod din ang tao. darating talaga ang time na maghihiwalay hiwalay din kayong nasa loob ng iisang tahanan. kapag nagkawork ka na ulit, matuto ka na magsave ng pera para sa sarili mo.
 
Yan ang flaw ng tao. Masyadong tayong aware sa mga bagay na hindi na napapaloob sa mga social constructs natin. Yan nga siguro ang "wisdom" na pinapahiwatig sa storya ni adan at eba, na nakuha nila sa pag kain ng prutas.
Kaya nmn delikado tlga ang kawalan ng relihiyon, at, there is no coming back pag nangyari yun. "God is dead" nga ang sabi nila. At mamumuhay ka, knowing death is upon you and your love ones. At natatakot ka sa prospect ma wala nmn tlgang "afterlife".

Pero sabi nga nila, it is never about the destination, but the journey itself. May mawawala, at may mga bagong dadating. At dahil alam mo yan, make the most of it. Pahalagahan natin ang bawat sandali. Ikaw ang bubuo ng meaning mo, at ng mga bagay na pinagdaanan mo. Ikaw ang susulat ng storya mo, at kung pano tatapusin ang bawat chapter tungkol sa bawat tao nakakasalamuha mo.
 
TS ganun talaga ang buhay may mamatay at may darating ganun tayo nakatadhana kaya hanggat andyan pa sila ienjoy mo evey moment na nandiyan sila at sa mga oras na yun hindi mo maiisip na mawawala sila. Iwasan mo rin na mag isa. Makinig ka ng music or mag games ka para maiwasan mong mag isip ng mga bagay na ganyan yun lang TS enjoyin mo lang buhay mo.
 

Similar threads

Back
Top