Yung approved na credit sayo pwede mong pangbili sa mga partner merchant nila tulad ng puregold, bench, mga resto etc. Scan mo yung qr nila tapos yung payment piliin mo gcredit. Pwede ding pangbayad ng bill. Selected branches lang kaya check mo muna nakaindicate sa email nila yung mga pwedeng stores kung san pwede gamitin ang gcredit.
Sa akin din approved na gcredit. 3000 limit and 5% interest rate. Medyo nalito lang din ako nung umpisa kaya need pag aralan. Yung gcash at gcredit hiwalay naman pala ang balance. Once na gamitin mo gcash for paying bills or scanning qr to pay may option if gamitin mo gcash or gcredit. If hindi mo naman nagamit gcredit ok lang