Ako lang ba nakakaranas na parang oven yung sim tray ng fx id3 ko? hahahhahaaha nasira na yung kasamang sim nya from pldt dahil sobra na yung paglobo parang battery ng lumang phone. ask ko na din kung may iba pa bang prepaid wifi na ganto tsaka yung di rin nakakaranas ng ganto
Ganyan din po experience ko sa ZLT-S10G. Napansin ko umiinit yun metal holder ng SIM slot kapag nagtatanggal ako ng SIM after ng ilang maghapong oras niyang in service. Baka maluto rin yun SIM card kalaunan.
Kaoorder ko lang nitong FX-ID3, nakatsamba ako ng stock from PLDT. Obserbahan ko nalang din pagdating, at gawan ng paraan pag nagkataon.
Dun sa mga hindi nakakapansin malamang hindi nila binubuklat yun SIM dahil sealed ito sa loob at ayaw nila ma void warranty. Sayang yun 1 year warranty. Bakit nga naman nila bubuklatin ito kung hindi naman nila kailangan?