Hindi uso dito yang donation pero hayaan nyo na yan.
Personally speaking for myself and not as the whole of phc - nirerespeto ko ang ganyan.
Tama kayo, parang namamalimos ang dating but technically parang mas ok pa nga ang ganyan dahil voluntary yan... kung sino lang gusto magbigay. Hindi nila i-deny sa inyo yung file o app man kung ayaw nyo mag donate. So nasa inyo yan kung gusto nyo lang magbigay... which I think is better kesa referral or mga ppd system na para bang compulsary ang dating. Kung pay/download yan then syempre wala ka magagawa dahil kelangan mo yung file.
Ngayun kung sa ppd/referral site pa naka-host yung file tapos humihingi pa ng donation then maasar na kami nyan. Hindi na maganda yan at hindi natin dapat i-tolerate yan. Kakapalan na ng mukha yan, pero kung humihingi lang donation na voluntary then hayaan nyo na lang.
Basta ang main concern natin eh yung mga referrals/commission/affiliates kung saan magkaroon kayo ng insecurites na feeling nyo eh napwersa kayo gawin ang isang bagay na di nyo gusto gawin for the sake na magka-pera sila sa inyo without your consent.