ang importante po ay hindi lalagpas sa MAIN breaker capacity ang lahat ng nakasaksak sa linya mo kahit ilan pa yan. kasi palaging mag-trip off yan or mapuputol.
kadalasan 60A (amperes) ang MAIN Breaker.
kwentahin mo lahat ng appliances kung ilan ang Current (Amperes)
kung walang nakalagay, gamitin mo ang Amperes = Watts divided by Volts
dapat din po walang loose contact ang connections para hindi prone sa sparks and electric surges na nakakasira ng appliances o nakakabilis ng lifespan or worst SUNOG!.
kung ang ibig sabihin mo ay iplug ang 1 avr sa isang avr, at yung isa ay sa isa hanggang 6 sila, ang issue lang naman ay kung hindi ba magkukulang ng voltage sa pinaka dulong AVR, kung mamahalin ang AVR mo ay ni-reregulate niya ang LOW voltage at HIGH voltage, pero kung mumurahin lang maaring HIGH voltage ang nireregulate nya ibig sabihin pwedeng mag-LOW voltage at magiging dahilan ng pagkasira ng appliances or malfunction.
recommendation: bumili ka nalang ng extension wire (mas mura sa AVR)
parallel connection nalang po ang AVR (lahat nakasaksak sa isang outlet)