What's new

Help Cogs replacement

deckya

Honorary Poster
Joined
Oct 28, 2014
Posts
395
Reaction
115
Points
163
Age
46
Mga lods ask ko lang kung upgrade ko sa 12 speed yug cogs ng dosos gausit mtb ko may iba pa bang bibilhin bukod sa cogs? 3x7 lang kasi eh yung speed nya.
 
Bibili ka talaga ng bagong drivetrain kung para sa 3x7 lang talaga yang front and back derailleurs mo, hanapin mo spec sheet ng derailleurs dun mo makikita compatible speed
 
shifter na pang 12 speed, chain na pang 12 speed, rd na pang 12 speed yan ang mga need mo kung bibili ka ng 12 speed na cogs
kung mechanical pa brake mo yan unahin mo muna paps hydraulic brake for safety
 
Kung bibili ka ng 12 speed na cassette cog, dapat bumili ka rin ng cassette type na HUB which support also 12 speed. Actually sa ganyang setup gagana na yan ang mtb mo at pwede mo ng patakbuhin but since na 3x7 ang remaining drivetrain mo ay hanggang 7 speed pa rin ang kaya niyang abutin. Ang ibig sabihin ay hindi mo pwede magagamit from 8 speed pataas. Para magamit mo siya until 12 speed dapat bumili ka ng bagong RD, SHIFTER at bagong CHAIN that supports 12 speed.

Pinakamainam na groupset ang bilhin mo either shimano or sram... kumpleto rekados na ang mga yan...
 
Last edited:
Salamat sa response nyo punta na lang ako sa bike shop para doon na ako bili ng suggestion nyo at maipakabit na rin 10k quote sa akin mas mahal pa upgrade kesa sa bike mismo hehe
 
Last edited:
boss depende yan sa brand or group set na kukunin mo kung 10k yan boss sa pag kaka alam ko pwede na yan sa shimano alivio group set kaya lang 10 speed lang yata yun yung shimano deore naman kung may makukuha ka na 10k swerte ka na kung set ah, pro kung kukunin mo lang shifter RD chain at rear hub baka nga pasok na yang 10k mo
 
Boss yung gusto mo lang upgrade yung cassete/cogs diba? mali lang pagka intindi mo, baka gusto mo lang na higher gear ratio na cogs/cassette hindi 12speed upgrade.

Try mo magtanung kung meron dun sa shop na 8 speed 11-42t cassette or higher.
 

Similar threads

Back
Top