What's new

buhay mag asawa.. tanong lang po..

Alam mo naman ang pagaasawa pre, para kang pumitas ng rosas, pati tinik kasama. Ganyan talaga ang mga hipag, in laws, at kung anu-ano pa,sila na ang perpekto. Pero ang wag mo lang kakalimutan ay ang iyong mag-ina. Sila lang mahalaga, basta nagmamahalan kayo balewala na ang iba. Kung nagsisigasigaan sila, baka naman ingit lang, o dahil wala rin silang asawa, o dahil OG-Balags sila. Ganun naman eh, ingit siguro, o feeling superior. Wag mo nalang pansinin, dahil habang buhay na sila sa buhay niyo. Pwede kayong magpakalayo ng iyong pamilya pero sa huli magkikita pa rin kayo ng iyong in-laws. Kaya pag family gathering, ubos ka lang isang bote ng gin, magpatugtog ng Mike hanopol sa Cellphone, maglagay ng headset at magbingingian pag nandyan sila. Balang araw pag asensado ka na at wala na silang makitang kamalian tatahimik din ang mga yan. O, pwede ring bigyan mo ng hopia para manahimik sa kakakain, ala Philippine Customs, basta may suhol,lusot yan.
 
Back
Top