What's new

Bea Alonzo on actor she slapped on the set: "Minamaliit niya yung pagkababae ko."

BB1dIjMd.jpg© Provided by PEP.ph
Nagbigay ng dagdag na detalye si You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., 33, tungkol sa aktor na sinampal niya noon sa set ng isang proyektong pinagsamahan nila.

Nagsimula ito nang inamin ni Bea sa kanyang YøùTùbé video kasama si Angel Locsin, na in-upload noong February 6, na You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. niya ang aktor na ito.

Naglaro sina Bea at Angel ng "Never Have I Ever," kung saan aamin sila sa mga tanong na ibabato sa kanila.

Ganito ang isang tanong: "Slapped someone in real life."

Sagot ni Bea: "I have. Sa set pa.

"Pinull ko siya sa other room, ‘tapos na-slap ko siya.

"Kasi may sinabi siya sa akin na medyo… talagang nayurakan ang pagkababae ko."

Hindi raw pinagsisisihan ni Bea ang ginawa niyang iyon.

"So, na-chika sa buong set. Pero okay lang.

"They didn’t take it against me, kasi nga, alam din nila yung nangyayari."

Muling inusisa si Bea tungkol sa insidenteng ito nang makausap siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) staff sa isang virtual interview noong February 11.

Lahad ni Bea, "May nasabi kasi siya sa akin nun, e, tungkol sa ano, ko parang…"

Saglit na nag-alinlangan ang aktres. "Ang hirap sabihin baka mapahamak ko siya.

"Bakit ko kasi sinabi iyon sa vlog? Kasi kailangan ano talaga, e, you have to be honest, e."

Pagpapatuloy niya, "May nasabi siya tungkol sa pagiging babae ko.

"Hindi siya anything sensual or hindi siya ano, ah...

"Parang feeling ko minamaliit niya yung pagkababae ko. So, nasampal ko siya.

"Parang empowered woman tayo dapat."

Para kay Bea, hindi dapat ginagawang excuse ang kasarian pagdating sa sukatan ng kakayahan ng isang tao, at pagbibigay ng respeto.

"Parang may sinabi siya about me being sensitive because I am a woman.

"Parang I’m being emotional just because I’m a woman, parang ganun," sabi ng dramatic actress.

Paglilinaw ni Bea, "Hindi naman tayo hihingi ng extra respect kasi babae ka, hindi naman ganun.

"Dapat equals kayo, e. Artista ka, artista rin siya. You’re equals, not because you’re a man, you’re more important than I am."

Hindi pinangalanan ni Bea kung sino ang aktor na ito na kanyang nasampal.
 

Attachments

Back
Top