Hello po sa lahat, sino po may ML script po na nakakaban. Gusto ko po kasi maban yung ML ng kapatid ko po, di na kase makausap namin ng matino, di na kumakain sa tamang oras, tsaka po hindi na nakakapag-aral ng matino. Gusto ko po sana yung magmukhang natural yung pagkawala ng ML, either naban or nawala yumg account niya.. Salamat po.
Ts bigay mo sakin ml id... Ipafollow ko lalaro kami.. tapos kakausapin ko Po ng maayos . Haha. Need lang Nyan ng friend.. yung unti unting ipapakita sakanya na Mali na talaga. Dapat makausap ng maayos. Pero sa paraang nalilibang sya.
I suggest wag nyo bigyan ng pera pang load at restriction sa wifi para di makapag online. banning the account makes him get more focus on ML to regain his previous progress. or confiscate the phone and don't let him barrow anyone's phone
ganito din yung kapatid ko noon . pero natigil siya dahil slight nabasag screen niya di na siya nakakapag laro ng maayos. na baling hilig niya sa anime at kpop . ngayon sa awa ng diyos di na siya nag MML
UPDATE: Pinahinto ni mama ng pag-aaral tas pinagfocus nalang na magML hanggang sa kung ano gusto niya sa buhay niya. Di na namen pinaki-alaman tas hinayaan nalang kung ano ginagawa niya. Literal na pinabayaan namin, di na binibigyan ng pera, tas hindi na tinitirhan ng pagkain, at sinabihan namin na kung gusto mo maenjoy yung mga priviliges mo pagtrabahoan mo ayun.. last week lan ata, umiyak kina mama, di niya daw kaya pagtrabahoan at bilhin mga luho at pangangailangan niya. He learned the lesson the hard way, nahinto pa sa pag-aaral, tas sila mama firm na sa desisyon di na siya bibigyan ng pera kung wants lang pag gagamitan.
Buti na man may lesson learned siya. Ung kapatid ko nmn di nadin naliligo kaka emel, minsan puyat. At di rin masyado interested sa pag-aaral, naggagawa siya ng module 2 days before pasahan, ganun siya ka procrastinated dahil kaka laro ng emel. Pinapagawa niya ako lai ng mga drawing niya. Pero buti nmn at nag gagawa pa siya. I'll try na ma lessen ang addiction niya at sana my ma-lesson learned din siya at ma-realize na mali ang ginagawa niya sa sarili niya at buhay.