Parang may matindi siyang problema Ts kaya hiniwalayan ka nya kasi ayaw ka nga madamay sa problems nya tapos yung last comment naman ipagpatuloy mo lang daw ang sinimulan mo na ang kahulugan naman ng sinabi nya ay parang ipagpatuloy mo lang daw ang buhay mo kahit di na kayo mag jowa at parang yung pang huli talaga ay parang tatandaan mo ang sinabi nya para sayo at kung ano man yun ay para sakin ay yung mahal na mahal ka talaga niya yun pagkakaintindi ko. Makakamove on ka rin Ts Ang nakaraan ay kalimutan mo na malalaman mo rin kung bakit ka nya iniwan bigla.
i think yung nag sabi nyan sayo is hindi sigurado sa kung anong nararamdaman nya towards you, kaya nasasabi nyang naguguluhan at yung sarili nya yung problema nya. Kumbaga, di pa nya sigurado kung totoong may feelings ba talaga sya sayo or nagffeeling lang sya na meron kaya nasabi nya yung mga ganyan. Di worth it yung mga taong ganyan, pag nahulog ka na ng malalim saka sila mag sasabi na naguguluhan. di ko alam san patungo tong sinasabi ko, basta ang alam ko di mo sya deserve kung babalikan ka man nya in the future. you deserve someone who is better than him.
baka nalilito sya sa nararamdaman nya ts... kung mahal nyo talaga isa't isa magtutulungan kayo iangat ang isa't isa... kaya baka hindi pa sya ready sa commitment... move on ka na paps...
isa lang ibig sabihin nyan, technically ayaw nya nang ipagpatuloy kung anu mang relationship meron sa inyong dalwa (na intimate i guess) not because may flaws sya tulad ng binabanggit nya sa convo nyo kundi may flaws yung relationship at naapektuhan sya mentally (or pede din niloloko ka lang nya). medyo mahirap tanggapin yan sa simula pero mas mahirap kung ipagpapatuloy pa. since desisyon nya yan, irerespeto ko desisyon nya. magmomove on ako tulad ng normal na tao. hindi ako magpapaentitled tulald ng iba na kesyo "sa akin lang sya" na kala mo ay kontrabida sa isang pelikula.
May dahilan kun bakit hindi naging kayo. Baka sa kanya, sa iyo o sa iba. Sa huling banda ang dapat natin isipin kung naging masaya ba tayo noon, masaya ba tayo ngayon, o magiging masaya ba tayo bukas. Minsan sa kagustuhan natin sa isang bagay nakakalimutan nating ang pahalagahan ang sarili natin, at nag papaka martyr tayo sa isang bagay na sa kasamaang palad masasaktan tayo sa huli. Lagi mong tandaan na hindi sa kanya o kanino man nakasalalay ang ating kasiyahan, bahagi lang sila.
Hayaan natin ang mga bagay na dumaan na parang tubig sa ilog. Mag ingat lang tayo palagi na wag mag paloko at mag bigay ng mga bagay ng basta-basta, dahil ito yung nagiging "dahilan natin" kung bakit tayo nag papaka ***** sa huli.
wala na yan... nawalan na ng feelings, hindi dahil sa may problema sa side mo kundi dahil sa personal issues nya (na hindi naman nabanggit) maraming pwedeng dahilan kung bakit.
bossing siguro may point ka, sana maintindihan ko yung nakaraan kung bakit niya ako iniwan ganyan. sa totoo lang bakit pa kaylangan sabihin na naguguluhan kung pwede naman ayusin yung gulo sa buhay niya kasama ko "sana"
medyo, hindi naman totally shineshare ko yung problem, gusto ko lang talaga malaman yung point na sa sinabi niya sakin. kasi diba may mga taong same feelings ko din
ako ba talaga yung hindi siya deserve or ako yung hindi deserve para sakanya? base sa nangyari nabalitaan ko na bumalik ata siya sa ex niya after niyang sinabi yan sakin. pero "not sure" sabi sabi lang naman ng malapit niyang kaibigan at malapit din sakin