What's new

Help Ano po pwedeng nyong mapayo sa akin? Malapit na ako magraduate sa high school

Axcel_MC

Honorary Poster
Hello po mga lods! Nais ko lang na mabigyan nyo ako ng mga tips n tricks sa lalo na sa college life. Parang nakakatakot ang college, sa tingin ko lang lalo na at masyadong naisolate ngayon sa pandemic na nangyayari. STEM po pala course ko, aeronautics, computer eng or EE balak ko sanang kunin. Salamat sa lahat!!!
 
Yung forte mo dun ka pumasok, sa totoo lang kelangan mo lang din graduate. Minsan hindi rin un work mo pero posible un din work mo pag gusto mo talaga.
Naka depende yan sayo kung ano gusto mo pa rin sa buhay.

Mas okay na rin mag aral pinaka mahirap graduate ka na wala ka pa rin ginagawa.
Wag na wag kang susuko kelangan makatapos ka. Yun minsan mag didikta ng buhay mo.
 
salamat po sa mga payo paps!!! anhirap rin po kasi na mag overthink eh na parang pwede ka maging ganito sa future ganun ba. Salamat uli mga paps much appreciated ang support! Good luck rin po sa inyo haha😇
😇😇
 
Wag kalimutang mag-modnoks para sa proteksyon kapag pwede na ulit lumandi sa face to face classes. Baka maging taga-bantay ka ng computer shop sa halip na computer engineer kapag nakabuntis ka ng wala sa oras.
 
Nakakatakot ba ang college?
Kung mayaman ka hanap ka lang pay to graduate na college schools marami yan basta perfect attendance ka lang sure na graduation mo..
Kung pulubi ka na gaya ko maintain ka lang passing grade hindi mo madadala sa work after graduation ang natutunan mo sa college ang importante improve mo network mo at human resources wag mag aksaya ng time to get high scores or perfect grades..
 
Mag master ka ng isang course.

Wag ka mag JACK OF ALL TRADE MASTER OF NONE.

dapat merun ka isang bagay mahusay ka.. focus ka. Then add ka na lang ng ibang skills. Basta dapat meron ka skill na alam na alam mu o master na master mu. Halimbawa programming sa php, Python.. mga ganun.

Kung nahihirapan ka sa buhay which is mahihirapan ka TALAGA. Madami pag subok. Wag ka susuku. Mas mahirap mas másáráp yung reward sa dulo.
Saka ang hirap sa umpisa lang yan. Yung reward naman pag na master mu o natutunan yung isang bagay.

Wag susuku. Magdasal at mag
sumikap.


Madaming tukso. Seksual sa GANyan edad.. mag ingat.. sa dami ng bagay na dagdag sa tukso.. TikTok.. available videos sa net.. mag ingat.

Sa dami ng distractions, games. Fb..tiktok.. mag focus ka.

Mag set ng goal. Deadline. Kung wala ka nyan mag roroam ka lang. Wala kang destinasyon kasi.

Sa dami ng kaguluhan,mag ingat. Magdasal palagi.
 
Last edited:
Kunin mo ang course na flexible. What do I mean na flexible? Yun madaling makahanap ng work maski san katulad ng business course or mechanical engineer. Iwas sa IT course dahil overpopulated na tapos maliit ang demand. Nursing ok din dahil sa pandemic pero I don't suggest it.
 
May specific strand po para sa Computer Engineering nakalimutan ko lang ang tawag.
Kasi po sa STEM baka hindi po kayo turuan ng Programming
Kung mag ICT ka naman po baka mahirapan naman po kayo sa Math
 
Back
Top