-Marami ka ngang alam, pero tila yata hindi mo alam ang pinaka importanteng bagay tungkol sa libro. -Ano?
-Pagkatapos mong basahin ito, mamamatay ka. -HA?!?!
-Surprise!
-Sandali... alam ko biro lang ‘yon, diba?
-Depende.
-Hiram lang ba ang kopya mo ng libro tapos hindi mo na ibinalik sa may-ari? -Hindi ah!
-Shoplifter ka?
-Lalong hindi!
- Tinapos mo lang bang basahin sa tindahan ang libro at hindi mo binili? -Hindi rin!
-Nagpa-xerox ka?
-Ba’t mo alam?