Totoong may mga bagay na kapag napasobra ay masama. May apps talaga na nakakaadik to the point na naaapektuhan na ng mga ito ang daily lives natin kasi kesyo hindi namamalayan ang oras. Imbes na maging productive, napapababad na lang kaka-browse o kaka-check sa certain apps.
May mga estudyante at empleyado na hindi na nakakatapos ng mga gawain dahil sobrang napapababad sa apps (especially social media apps). Karamihan ay distracted, natatambakan, at lumalabo ang mga mata.
Hindi pa ako nakakapag-install ng TikTok pero palagay ko napapatagal ang paggamit ng karamihan sa TikTok dahil maiikli ang content. Akala ng tao saglit lang siyang nanonood kasi saglit lang karamihan ng content pero yun pala pang-ilang content na 'yon na napanood niya. Hahaha. Nando'n kasi yung bitin factor. Kaka-"isa pa" hindi namamalayan ng tao yung oras. Tayo na lang daw mag-adjust, lods. Gamit na lang daw tayo ng app blocker.