What's new

Closed Excited na ako

Status
Not open for further replies.
Joined
Jan 4, 2019
Posts
159
Reaction
198
Points
118
Mejo weird.. Hehehe, excited na ako mamatay, pero andun parin un takot.. Pero sabi ko nga, bakit ba matatakot, dpat masaya tayo kase makakasama na naten si God.
Excited ako kase palage ko na imagine kung ano sasabhin saken ng mga mahal ko sa buhay, marami post sa fb.. Mararamdaman ko ang halaga ko.. Nararamdaman ko naman may halaga ako, pero mas lamang ang nararamdaman ko pagiging walang kwenta ko.. 13 years nga, natiis ko makisama sa bienan ko at sa mga hipag ko, pero mahal naman nila ako, pero syempre di naman maiiwasan meron din problema. Pero sobrang bless ko sa kanila. Un nga lang, sa 13 years ko married, till now umiiyak parin ako, kase andun parin doubt kung mahal ako ng asawa ko :/. Siguro kaya na excite din ako, kase baka dun makita ko halaga ko kanya,. Ang dami2 problema ng mundo nakikisabay pa ako. Pero wag po kau mag alala, hindi ko po naiisipan gumawa ng mali, mahal ko sarili ko, mahl ko anak ko. Hindi ko lang talaga maiwasan pumasok sa isip ko. And eto way para ma ease ung nararamdaman ko,. Lahat naman tayo my problema, sobrang strong ko na nga, sa sobrang dami ko napagdaanan, konting problema balewala na saken, pero bakit ganun, mas mahirap un emotional ung mararamdaman, ang hirap pag di kayo open sa isat isa ng asawa mo, yes 13 years na kme, pero dahil never sya naging open, never narin ako naging open sa knya, i tried my best. Sobrang hirap, Siguro nga pag nawala ako, makikita ko saloobin nya.kung mahal ba talaga nya ako. Kase ako sobrang mahal ko sya, never ako sumuko. :( :(... Palage lang ako nagdadasal,.
 
Hi. Ako rin po excited na. Excited na akong malampasan niyo yan ng asawa mo. Hindi po sa nanghihimasok pero kung wala pong gagawa ng first move sa inyong dalawa na mag-open, wala pong mangyayari. Natutuwa po akong malaman na wala kayong balak na gumawa ng kahit anong ikakasama niyo pero at the same time nakakalungkot din po kasi nararamdaman niyo yang gan'yan.

Opo, totoo pong maraming problema sa mundo pero wag po kayong ma-guilty na kesyo parang sumasabay kayo kasi natural lang naman po yun at hindi niyo naman po ginusto. Mabuti rin po at naisip niyong ilabas yung nararamdaman niyo kahit papa'no kaysa i-bottle up niyo lang po sa loob niyo yung nararamdaman niyo. Salamat po kasi nagawa mong i-share yung bigat na nararamdaman mo rito. Doon pa lang po ang tapang niyo na kasi hindi lahat kaya yun. Do not feel guilty about it po kasi the right people will understand. Totoo po, matagal-tagal na rin kayo ng asawa mo pero it's never too late naman po para ayusin yung communication niyo tungkol sa pag-oopen. Baka hindi niyo lang po alam naghihintayan lang pala kayo. Do not lose hope po. :)
 
Thank you.. Sa totoo lang po, ako lang nakakaalam, sabi nga nila, dapat may tao ka mapagsabihan, para mailabas mo nararamdaman mo.. Pero ako tipong ayaw ko mag aalala saken sila, napaka positive ko kase, galing ko mah advice sa ibang tao, galing ko mangaral, kaso ang hirap na gawin sa sarili. Yup umiiyak talaga ako knina, pero sarap sa pakiramdam nung ma i share ko na. Thank you sa oras na binigay mo. God bless. Take care, stay home🙏😇❤️
 
Thank you.. Sa totoo lang po, ako lang nakakaalam, sabi nga nila, dapat may tao ka mapagsabihan, para mailabas mo nararamdaman mo.. Pero ako tipong ayaw ko mag aalala saken sila, napaka positive ko kase, galing ko mah advice sa ibang tao, galing ko mangaral, kaso ang hirap na gawin sa sarili. Yup umiiyak talaga ako knina, pero sarap sa pakiramdam nung ma i share ko na. Thank you sa oras na binigay mo. God bless. Take care, stay home🙏😇

Aminado po akong ganun din ako. Siguro ganun talaga tayong mga tao. Magaling mag-advice sa iba pero kapag sa mga sarili na natin parang ang hirap-hirap. Ang clueless natin. Mas logical at critical kasi tayo pagdating sa problema ng iba kasi siguro dahil hindi tayo yung firsthand na nakaka-experience, hindi tayo emotionally affected. Kahit gaano ka kasi kagaling, kapag nahaluan talaga ng emosyon magkakagulo-gulo talaga ang lahat pero natural 'yon. Kasi tao tayo. May utak. May puso. Minsan nagtatalo.

Pero lately po napagtanto ko po na kung yung ibang mga bagay nga kagaya ng Internet may trick eh. Siguro sa mga sarili din natin meron, 'no? Ako po personally gamit ko 'to, ts. Baka ma-apply mo rin minsan sa sarili mo. Hehe.

Kung pagdating sa iba, magaling kang mag-advice at kaya mong maging positive e'di kapag may mabigat kang nararamdaman ipagpalagay mo na ibang tao ka tapos isipin mo kung ano bang sasabihin o mapapayo mo sa taong yun kung maririnig ka niya. Emotionally affected ka pa rin, oo, pero medyo maiilang kang hindi sundin yung payo mo para sa sarili mo kasi ang nasa isip mo yung payong yun para sa ibang tao. Hindi naman 'to nakakabaliw. Parang self-talk lang din naman. Sorry kung medyo malabo.

Natutuwa po ako at nagawa niyong ilabas yung bigat na nararamdaman niyo sa pamamagitan ng pag-iyak. Nararamdaman ko po na ginagawa niyo yung best niyo maging positive sa pananalita niyo. Ang tapang niyo. Oks po yan. Pero s'yempre po hindi ako masaya sa dahilan ng pag-iyak niyo kaya sana po talaga malampasan niyo rin po yan hindi man ngayon pero as soon as possible. Ipagdadasal ko po kayo. :)
 
pagnamatay ka, don ka masasabihang mabuting tao
pagnamatay ka, saka lang nila makikita ang halaga mo
pagnamatay ka, saka lang nila maaalala mga mabuting nagawa mo
pagnamatay ka, di ka sure kung may langit ba talaga
 
hinde choose ang pag papakamatay pero kung nawawalan ka ng PAG ASA MAG PRAY KA LANG ASK FOR GUIDANCE.
 
hinde choose ang pag papakamatay pero kung nawawalan ka ng PAG ASA MAG PRAY KA LANG ASK FOR GUIDANCE.

Hii thank you sa oras na binigay mo dumaan dito..
Nooo.. Sabi ko nga mahal ko sarili ko mahal ko anak ko, ung na mamatay, nasasabi ko kase parang dun mo lang nakikita ang halaga mo, diba ang unfair ng buhay, bakit kelangan mawala ka muna bago mo malaman ang halaga mo?

My mga tao nagpapakita, pero bakit sa taong napakahalaga saken hindi makita at maramdaman 😭.
 
pagnamatay ka, don ka masasabihang mabuting tao
pagnamatay ka, saka lang nila makikita ang halaga mo
pagnamatay ka, saka lang nila maaalala mga mabuting nagawa mo
pagnamatay ka, di ka sure kung may langit ba talaga

Tama ka po diyan, pero dun sa last about " kung may langit ba talaga??
NAniniwala po ako, kaya nga po ako hindi takot mamatay, sa paniniwala ko din may diyos. kaya po hindi ako naniniwala walang langit, kase kung naniniwala ako walang diyos matagal na ko gumawa hindi maganda.

Thank you for your time God bless 🙏😇❤️
 
Aminado po akong ganun din ako. Siguro ganun talaga tayong mga tao. Magaling mag-advice sa iba pero kapag sa mga sarili na natin parang ang hirap-hirap. Ang clueless natin. Mas logical at critical kasi tayo pagdating sa problema ng iba kasi siguro dahil hindi tayo yung firsthand na nakaka-experience, hindi tayo emotionally affected. Kahit gaano ka kasi kagaling, kapag nahaluan talaga ng emosyon magkakagulo-gulo talaga ang lahat pero natural 'yon. Kasi tao tayo. May utak. May puso. Minsan nagtatalo.

Pero lately po napagtanto ko po na kung yung ibang mga bagay nga kagaya ng Internet may trick eh. Siguro sa mga sarili din natin meron, 'no? Ako po personally gamit ko 'to, ts. Baka ma-apply mo rin minsan sa sarili mo. Hehe.

Kung pagdating sa iba, magaling kang mag-advice at kaya mong maging positive e'di kapag may mabigat kang nararamdaman ipagpalagay mo na ibang tao ka tapos isipin mo kung ano bang sasabihin o mapapayo mo sa taong yun kung maririnig ka niya. Emotionally affected ka pa rin, oo, pero medyo maiilang kang hindi sundin yung payo mo para sa sarili mo kasi ang nasa isip mo yung payong yun para sa ibang tao. Hindi naman 'to nakakabaliw. Parang self-talk lang din naman. Sorry kung medyo malabo.

Natutuwa po ako at nagawa niyong ilabas yung bigat na nararamdaman niyo sa pamamagitan ng pag-iyak. Nararamdaman ko po na ginagawa niyo yung best niyo maging positive sa pananalita niyo. Ang tapang niyo. Oks po yan. Pero s'yempre po hindi ako masaya sa dahilan ng pag-iyak niyo kaya sana po talaga malampasan niyo rin po yan hindi man ngayon pero as soon as possible. Ipagdadasal ko po kayo. :)


See.. Ganun ka rin diba, yahhh na apply ko method na yan, nag iisip kagad ako nh brightside, iniisip ko ganu ako ka bless, i compare my self to others, in terms of status sa pamumuhay, may tao mas malala pa sa problema ko. In that way na ease un burden at pain. Pero kapag puno na, iniiyak ko nalang sa gabi, after that ok na ulet. Parang walang nangyari.

Magdadasal lang ako at nahingi ng patawad at guidance malampasan ko eto.
 
Hii thank you sa oras na binigay mo dumaan dito..
Nooo.. Sabi ko nga mahal ko sarili ko mahal ko anak ko, ung na mamatay, nasasabi ko kase parang dun mo lang nakikita ang halaga mo, diba ang unfair ng buhay, bakit kelangan mawala ka muna bago mo malaman ang halaga mo?

My mga tao nagpapakita, pero bakit sa taong napakahalaga saken hindi makita at maramdaman 😭.
try mo lang po ioff ang sarili mo sa social media tapos if my maganda ng lugar diyan na malapit sa house mo try mo mag site seeing pag mas dan mo kung gaano kaganda ang nature nakakabawas kasi ng stress yan at worry
 
Tama ka po diyan, pero dun sa last about " kung may langit ba talaga??
NAniniwala po ako, kaya nga po ako hindi takot mamatay, sa paniniwala ko din may diyos. kaya po hindi ako naniniwala walang langit, kase kung naniniwala ako walang diyos matagal na ko gumawa hindi maganda.

Thank you for your time God bless 🙏😇
Di mo naman kailangang maniwala para gumawa ng maganda/di maganda
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top