What's new

Abs-Cbn Shutdown Pabor ka ba O Hindi? Bakit? Need lang para sa debate

Totally disagree... it's just another gimmick of the psycho who wants revenge on abscbn.... but I'm almost sure that it will not push thru (although with this psycho we cannot be sure of anything!)

Not only there are 11k jobs at stake but it's has absolutely no legal basis!

Here is what happened to the Senate hearing, debunking all the fake news related to this case:

FAKE NEWS #1

“Hindi nagbabayad ng tax ang ABS-CBN!”

FACT:

IMG_20200224_173415.jpg

“BIR: Total tax payment of ABS-CBN is P14,398,464,316.66 from 2016 to 2019, except for the income tax for 2019, which will be filed this April. This includes all taxes, not just corporate income tax. “

Hindi lang milyon ang mawawala dito, bilyon na buwis na puwedeng magamit sa mga proyektong makakatulong sa mga Pilipino.

FAKE NEWS #2

“Hindi nagbabayad ng OT at kinakawawa ang mga empleyado ng ABS-CBN”

FACT:

IMG_20200224_174924.jpg

“Sen Joel Villanueva: Are you practicing ‘endo’?

Nepomuceno: No. They are project-based employees engaged for the production of our shows. We also have other content creators whom we hire as independent contractors.

Villanueva: And these project-based employees enjoy Pag-IBIG, SSS, 13th month pay, etc. Am I correct?

Nepomuceno: Yes. They enjoy all the statutory benefits and more. In fact, we provide them in their benefits package a total of 25 benefits items. “


FAKE NEWS #3

“îllégâl Ang Pay-per-view at TV Plus ng ABS-CBN”

FACT:

IMG_20200224_180303.jpg

Sabi pa nga ng NTC hindi lang ABS-CBN ang mayroon ng Pay-per-view, meron din ang ibang broadcasters under KBP.

FAKE NEWS #4

“Hindi 100% Filipino owned ang ABS-CBN dahil may ari ng PDR ay foreigner”

FACT:

IMG_20200224_180925.jpg

“PDR holders do not have the right to vote because they just participate in an enterprise. As PSE says PDRs are not evidences or statements nor certificates of ownership of a corporation.”

FAKE NEWS #5

“US Citizen si Gabby Lopez”

FACT:

Tinanong ni Bato si Carlo Katigbak, ang CEO ng ABS-CBN.

Sen Bato asks “Pilipino ba si Gabby Lopez?”.

Carlo Katigbak: Sa pagkaka-alam ko, YES Pilipino siya at may hawak na Philippine passport”.

Sen Drilon says under Dual Citizenship Act, “reverting to your Filipino citizenship from birth, its retroactive”.

Ang retroactive po ay puwedeng mag take effect ang batas as of prior date.

Humirit pa si Pebbles: “nung 1987 na Amerikano pa siya… tapos nung naging Pilipino na siya, wala na yon?”.

Sinagot siya Ni Drilon, “you are never presumed to have lost your PH citizenship”

Ayun nakalibre ng lecture si Pebbles about sa batas.

Sa more than 6 hours na hearing isa lang ang klaro. Ang pagshut down sa ABS-CBN ay dahil sa hinanakit ng iisang tao.



IMG_20200224_184333.jpg
 

Attachments

Nanghihinayang ako sa TV plus ko sa sala but pabor ako sa pag shutdown nito. Yun palang di nila pag-air ng campaign ads ni duterte proves that they are BIAS. Wala na akong pake kung walang nilabag na batas sila, being bias alone removed their credibility para sakin na pagkatiwalaan mga pinapalabas nila lalo na sa news about politics.
 
Yes to abscbnshutdown, di lang sa pag air ng campaign ads ni pres duterte, pati mga balita puro masama laban sa gobyerno walang goodside na binabalita, binibrainwash mga tao para magalit sa administrasyon, ayaw ibalita ang magagandang nagawa ng gobyerno, mga sunodsunuran sa LP
 
hmm nag yes ako sa poll mo pero parang gusto ko rin bawiin baka kasi masayang yung tv plus namin.:(:confused:
tsaka bakit ba ma shushutdown yan isa sa dahilan ko diyan is yung mga reporter
mali mali na nga mag report mali mali pa ng pananaw sa mga ibang tao.
opinion ko lang ito. kagaya sa nangyareng hostage drama kagahapon kung itong si doris bobogirna umaastang may alam talaga sa nangyare kahit wala naman.
 
same tayo nanghihinayang rin kame.
pero gusto ko talaga na ma shutdown yan puro kasi bias binabalita minsan mali pa if mag visit ka sa page niyan puro reklamo about sa maling post minsan dinadagdagan pa nila yung balita nila para mapasama isang tao, minsan kulang kulang din.
Nanghihinayang ako sa TV plus ko sa sala but pabor ako sa pag shutdown nito. Yun palang di nila pag-air ng campaign ads ni duterte proves that they are BIAS. Wala na akong pake kung walang nilabag na batas sila, being bias alone removed their credibility para sakin na pagkatiwalaan mga pinapalabas nila lalo na sa news about politics.
 
no for me...

una... yung mga pahapyaw dun sa quo warranto ni calida e nasagot naman dun sa senate hearing... di pa yun yung full content pero yung palaging binabato sa kanila e nasagot na dun...

pangalawa... napaliwanag na rin yung sinasabi ng karamihan na 'bias' move na di daw pagere ng campaign ads...
di lang si duterte ang biktima nun... pati na rin ibang senador...
nagkaproblema sila sa teknikal kaya ayun...
naere din naman nila yung 'national' ads e... yung 'local' lang daw ang hindi...
di rin bias ang pageere ng black propaganda para sakin... kasi kung totoong wala kang pinapanigan... lahat diba ng sides e iaaccept mo... mapa anti or pro...
kaya sa tingin ko e neutral ang abs dun... inere nila yung national campaign ads ni duterte pati na rin black propaganda para sa kanya...

pangatlo... ayaw ko sa palabas ng gma... BORING... ARTIFACT... AT MAY PÊDO DUN... :ROFLMAO: ay ooppss... joke lang...
pati sa tv5... recycled lang lahat ng shows... alang bago...
at ayaw ko na bumalik sa analog yung antenna...

ayun lang... 😂
opinyon ko lang naman yan...
 
Last edited:
Kahit walang epekto sakin kahit ishutdown man o hindi, ang sagot ko ay hindi, kasi sayang naman ang mga taong mawawalan ng trabaho, mga taong naseserbisyohan nila, mga taong natulungan, natutulungan at matutungulan pa lang nila etc. Yun lang dahilan ko simple lang.hahaha
 
Another Question is
Bakit hindi pinirmahan ni Duterte yung
Renewal of Franchise
Is there any evidences about it?
 
Irreplaceable ang ABSCBN. Para xang Hollywood ng Amerika. ABSCBN ang may hawak ng pinakamalaking news agency at entertainment industry sa Pilipinas. Ang pagsara sa ABSCBN ay parang pagsara sa Hollywood. Imagine mo ang Amerika na walang Hollywood. Ganun din ang Pilipinas pag isinara ang ABSCBN.
 
Nanghihinayang ako sa TV plus ko sa sala but pabor ako sa pag shutdown nito. Yun palang di nila pag-air ng campaign ads ni duterte proves that they are BIAS. Wala na akong pake kung walang nilabag na batas sila, being bias alone removed their credibility para sakin na pagkatiwalaan mga pinapalabas nila lalo na sa news about politics.

alam mo ba ang real story bakit hindi na air ang sinasabing political ads?

kung sino talaga ang may sala bakit di na air and ads?
 
Yes to abscbnshutdown, di lang sa pag air ng campaign ads ni pres duterte, pati mga balita puro masama laban sa gobyerno walang goodside na binabalita, binibrainwash mga tao para magalit sa administrasyon, ayaw ibalita ang magagandang nagawa ng gobyerno, mga sunodsunuran sa LP

segurado ka dito boss? parang marami naman ako napapanood na news about sa mga na accomplish ng gobyernogn duterte.
 
same tayo nanghihinayang rin kame.
pero gusto ko talaga na ma shutdown yan puro kasi bias binabalita minsan mali pa if mag visit ka sa page niyan puro reklamo about sa maling post minsan dinadagdagan pa nila yung balita nila para mapasama isang tao, minsan kulang kulang din.

ang naging basihan nyo ba ng pagsabi nyong bias ang ABS CBN dahil di nyo nagustohan ang binalita nila?

Alalahanin natin masakit talaga madinig ang katotohanan pero mas ikaka ganda ng bayan kung magiging open minded tayo at tanggapin natin ang pagkakamali natin at itama eto.
 
Another Question is
Bakit hindi pinirmahan ni Duterte yung
Renewal of Franchise
Is there any evidences about it?

sinagot na ni BOng Go to sa senate hearing boss....nasaktan ang presidente dahil hindi pinalabas ang political ads nya na kalaunan nalaman ang reason kung bakit di nailabas dahil nahuli sila kumuha ng permit sa comelec
 
Back
Top