Closed Need Advise 😞

Status
Not open for further replies.

evanzron

Eternal Poster
Joined
Oct 29, 2016
Posts
728
Reaction
226
Points
321
Hi po magandang gabi po.

Ako po ay nagtatrabaho sa companyang mababa lang yung sahod. Kahit mababa yung sahod masaya naman ako sa Job.

Tapos kami po ay mahirap lang, yung mama ko gusto malaki yung sahod ko kasi napag iiwanan na daw ako sa mga kabatch ko dahil may mga malalaking sahod na sila. At nakakapag patayo na ng bahay. Na pre pressure po talaga ako..


Hindi ko maiwan yung trabaho ko dahil masaya po ako sa mga kasamahan ko..



Ano po yung pipiliin ko? Mag reresign at maghahanap ng mas malaki yung sahod? Or mag stay sa trabaho ko na masaya naman ako.?

Advise naman po.. Nahihirapan po akong magdecide. Salamat po.
 
Good Eve din Ts. Hindi po ko expert pero para sakin ganyan din po ko di mahalaga yung sahod basta masaya ko sa workplace ko pero kung ikaw ay pamilyado na or gusto mong mag grow and may maestablish ka, eh pwede ka namang maghanap ng mas better na work na sa tingin mo naman ay kayang kaya mo at di ka magkakaroon ng regrets. Di naman mawawala yang ikukumpara ka, kung kaya mo naman patunayan na may maaaccomplish ka kahit na maliit ang sahod mo. Fighting lang po!
 
Di ako expert pero opinion ko lang to.
Nakatira kapaba sa magulang mo? Pag Oo, kausapin mo sila, ganun ginawa ko, mababa lang sahod ko pero enjoy ko naman trabaho ko. Pero kung binibiro biro ka lang nila na parang " oy si ano ganito na dapat ikaw din" tska mo sila kausapin ng seryoso, pero pag sinabihan ka talaga na "Dapat ganito ka, ganyan ka." Try mo parin kausapin pero pag hindi sila pumayag, Try mo mag solo. Mapapahanap ka bigla ng malaking sahod :LOL:, jk.
 
Well may advice is let yourself to grow, if mag stick ka lang dun sa work mo na masaya ka and then later magsisi ka dahil wala ka man lang napundar kung meron man eh maliit lang. Sa akin i-secure lang ang future. After all ang kaibigan di mawawala pero ang time mo sa mundo eh napaka-igsi lang. Bakit ka nagwork para lang maging masaya? o umunlad/umangat sa buhay?. Sa buhay noon pwede ang tama lang pero sa panahon ngayon ang tama lang ay di sapat kundi hikahos.
 
Piliin mo kung saan ka masaya. Sa ngayon kung masaya ka s trabaho mo, ituloy mo lang. Ienjoy mo ung happiness s trabaho mo ngayon. Pero dadating din yung time n hhanapin mo yung mas mataas n sahod, yun ung point n mgppundar kn pra s mgging future ng pamilya mo.
 
Walangya, ang swerte mo sir, sakin nga sahod ko minimum wage pero yung responsibility naman parang sumasahod ako ng 40k. Hahhahaha.
Toxic pa ibang senior na katrabaho ko niyan.
Minsan iniisip ko parang ang sarap mag walis walis nalang sa labas ng conpound ng company namin dahil same lang naman sahod.
 
Nakadepende yan sa Goal mo sa buhay..
If kuntento kana at masaya sa status ng buhay nyo then stay sa company pero kung gusto mo mas umangat ang buhay at makatulong sa pamilya then apply for greener pasture ikaw nga..
May chance naman maging masaya ka din if ever makalipat ka ng kumpanya..
 
Matanong muna kita TS ilan kayong magkakapatid at ilan kayong may trabaho sa bahay nyo? Mga parents mo ba nagtratrabaho padin until now? At sino sino mga gumagastos sa bahay nyo para sa pagkain, pang-kuryente, tubig, etc.? Mamaya pala perang sinasahod mo sapat lang para sayo at pagkain sa hapag kainan sa mga magulang mo pa nagmumula. Depende kasi yan sa sitwasyon kung dapat ba mapressure or hindi. Malay mo sinasabi lang yan ng parents mo dahil gusto nila na may maipundar ka na habang malakas pa sila. Kase sa totoo lang kung maliit lang sinasahod mo at sayo nakaasa buong pamilya mo. Kahit anong saya pa sa workplace mo sasakit din ulo mo pag uwi sa bahay nyo. Try mo TS bumukod kung npepressure ka sa sinasabi sayo ng magulang mo baka sakali mapagtanto mo kung masaya pa ba sa work mo. Lalo na sa panahon ngayon pataas lang ng pataas mga bilihin.
 
Last edited:
At the end stil your decision ang masusunod just dont let your heart eat your brain. Heart is deceitful TS be wise in life
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top