What's new

Crypto How to use chart to trade cryptocurrencies/stocks in psei

Status
Not open for further replies.

conviction

Forum Guru
Joined
Apr 24, 2013
Posts
5,124
Solutions
6
Reaction
7,408
Points
1,982
Disclaimer: Using technical analysis(via chart) is not 100% guaranty on the outcome when trading cryptocurrency/ stocks, commodities, or forex market you wish to trade. Always remember price is moved by people not based on previous price actions.

Terminologies:
Bull
-mas malakas ang mga buyers kaya paakyat ang presyo
B ear-mas malakas ang mga sellers kaya pabagsak ang presyo
Uptrend-tumataas ang presyo
Downtrend-bumabagsak ang presyo
Sideways-matumal ang bentahan at pagbili kaya wala masyado nangyayari
Support-mas marami buyers kaya hinaharangan nilang bumagsak ang presyo at tinutulak pataas
Resistance-mas marami sellers at hinaharangan nila na tumaas pa lalo ang presyo at tinutulak pababa

Gamit na time frame sa chart: 1D (1 day), pwede rin gumamit ng ibang timeframe kung ano ang iyong nais kagaya ng weekly, 30minutes etc, kung long term ka gamitan mo ng weekly time frame at hanapin mo kung saan sya nagcreate ng base ng support at unti unti bumabawi at dun ka pumusisyon wag kang bibili sa tuktok kundi instant inipit ka my friend.

Tutorial lang ito kung pano gumamit ng chart sa pagtrade, kung anong platform kung san kayo bibili or magbebenta sa crypto ay paki google nalang kung saan ang may pinakamura na fees. (halimbawa: cex.io, hitbtc, bitstamp, poloniex etc)

Kapag sa stock market naman pili lang kayo ng online broker saka nyo pondohan pag na approve application nyo pacheck complete list sa PSE (halimbawa: COL Financial, Philstocks, Firstmetrosec, etc)

Gagamit lang tayo ng chart para may idea tayo kung ano ang current trend kung Up(pa akyat ba), Down (pababa) or Sideways (pahalang) ba ang takbo ng market.
ch_2.png
Dahil dito magkakaroon ka na ng idea kung bibili ka or magbebenta pag nakita mo yung trend.

Halimbawa nalang kung nakita mo na paakyat ang trend (uptrend) syempre ibig sabihin maraming "buyers" kaya natutulak ang presyo pataas kaya makikisabay ka na bumili, at kung madami naman "sellers" tinutulak nila ang presyo pababa at yun ay tinatawag nila na downtrend at bago mawala ang kita ay magbenta ka na kung gusto mo bago tuluyang bumagsak.

Pag wala masyadong galawan at halos pahalang (flat or horizontal) ang merkado ibig sabihin nasa estado na tinatawag nilang "consolidation" wala masyado bumibili or nagbebenta kaya halos wala nangyayari at walang action.

Syempre gustong gusto naten ng action para may laban hehe. Oras na may nainip maaaring ang buyer side or seller side ang manguna dun magkakaroon na ng kaguluhan (chaos) at may makikita na tayong galaw kaya hanggat maari gustong gusto naten ng kaguluhan (hindi literal na gulo).

Yung default na nakikita mo pag nag open ka ng chart na may kulay na green or red ay tinatawag na candlestick na pwede mo palitan sa bar type, line, or area pero kung baguhan palang ay kahit wag nang palitan.

Yang nakikita mo mismo ay sinisimbolo ang mga nagdaang presyo kung ano yung opening price, high, low at closing price.

ch_1.png
Yan mismo yung price action ng bawat natatapos na trade sa isang araw, dyan mo makikita kung sino ang nanalo sa araw na iyon kung ang mga buyers(green candle) or mga sellers(red candle).

Ang lagi mo lang tatandaan pag magtretrade ka sa market ay alamin kung saan ang support at resistance na nalikha base sa nakaraang galawan sa merkado para may idea ka kung saan posibleng bumili o magbenta.
ch_3.png

Support (blue)-ito yung bahagi na yung presyo ay tumalbog at umakyat, kung saan mas marami ang gusto bumili kesa magbenta

Resistance (red)-ito yung bahagi na yung presyo ay tumalbog pababa at bumagsak, kung saan mas marami ang gusto magbenta kesa bumili

Kaya saan ka dapat bumili? Dun sa malapit sa support, at san ka pwede magbenta dun ka sa malapit sa resistance.

Alalahanin na kapag nabutas ang "support" ay magiging resistance at kapag nabutas din ang "resistance" ay magiging support depende nalang sa galawan at takbo sa merkado.

Kung nais mo dagdagan ng mga indicator kagaya ng moving averages ay maari din itong gawin para lumawak ang yung pagkakaintindi sa naging takbo sa merkado.

Kadalasan na ginagamit ay ang moving average 100 at moving average 200, kung pano ito ilagay sa chart ay sundan lamang sa baba. Maari ka din gumamit ng 20, 50 etc ayon sa iyong kagustuhan kung short term trader ka or tinatawag din nilang mga swing trader.

Kahit ano pang tawag sa trader mapa momentum, swing, position trader etc ay wag mo na masyadong intindihin kundi magfocus ka kung pano ka kumita hehe.

PAPAANO MAGSET UP NG CHART AT MAGLAGAY NG INDICATOR:
Click mo indicator icon, scroll to moving average and click to add
ch_4.jpg

Ngayon palitan naten yung default values na 9 sa 200 at pindutin lang ang settings
ch_5.jpg

Ganun din ang gawin sa isang moving average na indicator at gawing 100 at palitan ang kulay para mas madali maintindihan sa chart.
ch_6.jpg
ch_7.jpg

Ngayon eto ang magiging kalalabasan kapag nailagay na ang dalawang moving average.
ch_8.png
Kung mapapansin nyo sa chart sa taas, yung dalawang moving average ay nasa ibaba ng mga candlesticks ay halos paakyat ang presyo (bull) habang nung nag umpisa ng bumaliktad at nasa itaas na sa candlestick ay halos pabagsak na ang presyo (b ear)

Kapag masipag kang mag aral pa ng ibang indicator kagaya ng bollinger, RSI, DMI, Ichimoku, Fibonacci, Stochastic etc, pandagdag sandata sa iyong trading ay pakigoogle nalang kung paano gamitin at marami nagkalat sa YT.

Pero kapag maintindihan mo na gamitin ang support at resistance (SR) ay sapat na ito para may idea ka kung saan ka possibleng bumili o magbenta.

Mas simple, mas madali i-execute vs madaming indicator na halos mapuno na ang chart ay dimo na alam kung alin ang susundin at baka tuluyan kang maparalisa sa dami ng yung nakikita.
ch_9.png
Kapag naunawaan muna ay madali mo ng magamit ang konsepto na buy low (at support) at sell high (at resistance), at kung advance trader kanaman ay maari nang mag buy high, sell higher.

Buy high, sell high strategy kapag nagcreate ito ng ATH (all time high) ibig sabihin lumikha ng panibagong mataas na presyo sa nakaraang pinakamataas na presyo, kadalsan maririnig mo sa mga traders B-O-B-O or Buy on Break outs.

Pero mag ingat din dahil kung may fake news, sa trading meron ding "Fake Out" kaya mainam na gawing habit maglagay ng stop loss or cut loss.
ATH.png

Pinkaimportante sa lahat ay disiplina at ang tinatawag na risk management kapag sumabak ka sa ganitong kalakaran para kumita ng pera, dapat matuto kang maglagay ng tinatawag na stop loss (cut loss) para maiwasan ang pagkalugi ng iyong capital.

Dahil kahit gaano pa kaganda ang nakikita mo sa chart, hindi mo padin makikita kung sino sino ang makikisalai kinabukasan o sa makalawa para bumili o magbenta.

Sample ng paglagay ng stop loss base sa nakaraang closing price ng candle.
ch_10.png

Kaso sabi mo sa sarili mo nung nakabili ka, "matapang atao ako hindi pasisindak o iiyak, aakyat ang presyo basta tiwala lang!"

At sa sumunod na araw ito ang nangyari dahil sa kapabayaan at hindi nagplano ng stop loss or cut loss point.
ch_11.png

Dahil matapang ka kinomfort mo sarili mo, "ayos lang besh aakyat din yan, investor ako hindi ako trader!"

At ito sumunod na araw habang nakikipagmatigasan ka sa merkado ay nagkulong ka na sa kwarto at humagulgol ng iyak at nagsisigaw.
ch_12.png

Dahil ansakit na sa mata at di kana makatulog sa iyong nakikita at natakot ka na baka bumaba pa ay naisipan mo nang ibenta para matapos na paghihirap mo.
ch_13.jpg

(6185-7267)/7267=0.1488 or 14.88% loss

Kung nag "cut loss" ka sana ng maaga at saka nalang pumasok ulit baka kumita kapa
ch_14.jpg
(6475-6185)/6185=0.0468 or 4.68% profit

Ganito mo dapat paghandaan kapag papasok ka sa mundo ng trading mapa crypto man or stock market, forex etc, mapa trader man or investor hindi araw araw ay pasko, lahat ng umaakyat ay bumababa para sa correction ng presyo (retracement or pullback) or masaklap tuluyang bumagsak.

Una planuhin kung saan ang possibleng "buy entry" at iset agad kung saan ang "stop loss point" or kung magkano ang kaya mong "ipatalo" at mag abang ulit kung saan nakagawa ng support level para makapasok.

Wag din maging kampante kung sakali man umayon sa iyo ang merkado at umakyat ang presyo at malayo sa iyong "average entry price" maaari mo ng iadjust ang stop loss point mo at ito na ay matatawag na "trail stop" kung saan pag tinamaan man ito at bumagsak sa level na ito ay may kita kapa din.

Matutong mag "LIP", or ang tinatawag na lock in profit para hindi masayang ang iyong kita bago pa ito maging bato. Pwede mo ibenta ang kalahati ng iyong hawak at kapag sakali mang umakyat pa ay saka mo ibenta ang natititrang kalahati.

Wag ng antayin na balikan kung saan ka nakabili dahil pwede mong ulit ulitin ang proseso, pag may kita na benta na, wag masyadong sakim.

Rinse and repeat

BONUS: Gumamit ng box (search nyo google Darvas Box kung gusto nyo icareer), lagi maglagay ng stop loss or iadjust ang stop loss para maging trail stop or mag base sa box kung kelan bibili or magbenta.

Iclick ang rectangle icon at ilagay sa makikita nyong previous high at yung low na nalikha na makikita nyo sa chart. Kung sino mauna mabutas kagaya ng high (break out) ay pwede kayo bumili at pag binutas ulit ang low (break down) ay dun kayo magbenta.

BOX.jpg


Summary:
1. Mag abang kung saan ang possibleng support para makabili
2. Set mo ang stop loss points (cut loss)
3. Adjust mo ang stop loss kapag tumaas pa presyo (trail stop) or benta kana pag may resistance
4. Lock in profit pag kumita na (wag greedy paps)
5. Rinse and repeat
6. Gumawa ka ng logbook para imonitor ang iyong progresso

enjoy!

Balato mga paps pag kumikita na! :)

SUPPORT PINOY WEBSITE:
Sa mga nais gumamit at supportahan ang Pinoy na site register lang kayo free sa investagrams para magamit ung charting tool nila na libre. (Disclaimer: Hindi ako affiliated sa site na yan)
investa.jpg

Babala! Wag kayo magpapa hype sa mga post ng mga members, mag aral kayo magcharting dahil wala makakatulong sa inyo kundi ang sarili nyo at wag iaasa sa mga guru guru na nagsulputan dahil at the end of the day manghuhula din mga yan at di nila alam kung ano ang mangyayari sa merkado.

Like and share kung nakatulong (ala facebook ba?) bookmark nyo nalang mga paps, kung nais pa matuto igoogle my friend wag maging T-A-M-A-D.
 

Attachments

Last edited:
thankyou sir. sana gawa ka dn thread pano gumamit ng mga SMA, EMA, MACD etc.

andito sample pano gumamit paps mga indicators (here) or yung comment ko sa taas👆

SMA=or simple moving average sinampol ko si MA50 at MA200

pwede mo gawing EMA yung SMA mismo pipillin mo lang moving average exponential tas sabay palit values 10, 20, 50, 100 and 200 imbes na yung usual na moving average (sma) kung mas gusto mo ng mas sensitive na moving average

yung macd diko na masyado recommend since delayed yung signal nun at gasgas nadin masyado pero para may idea ka aabangan mo lang mga crossover(buy ka dito) at crossunder(sell ka dito)
579172
 

Attachments

Status
Not open for further replies.
Back
Top