Mga lods aksidente ko na salpak ang adapter na naka set sa 12v sa radio ko na 4.5v tapos hindi tumunog parang may tunog na kaskas o static ano kaya epekto noon nag alala lang ako mga 5 secs ko na saksak.
May nasunog kaya sa loob yun?
Pero na gana padin naman radyo ko.
TS, noong 80's at 90's ang nakaka-survive na electronic device sa ganyang insidente ay mga high-end lamang, yung mga mamahalin. mayroon silang proteksiyon sa ganyang pagkakataon, though dapat saglit lang kung hindi ay tuluyan nang may masusunog o puputok sa power section ng unit.
So, ngayon yung mga manufacturer na may pangalan, gumagamit ng mga regulator ICs at power supplies na may built-in protection sa over-voltage at reverse voltage. Pero ingat pa rin, dahil masisira din siya kung na-exceed ang limits nung protection circuit.