What's new

Closed Mga sekreto ng postern config isa-isang ilalantad at ipapaliwanag !!! unang bahagi !!!

Status
Not open for further replies.

paoloaztig

Merry Christmas !!!
Joined
Aug 15, 2015
Posts
10,684
Reaction
41,367
Points
6,029
Magandang Umaga mga Kasama !!!

Siguro marami na ang nakaka-alam kung paano gumawa ng postern config...alam na natin na maaari natin itong gawin sa pamamagitan ng paglagay ng detalye ng shadowsocks account sa mismong postern app or sa pag edit ng prx config file...subalit paano ba natin ito paandarin ng matulin at gaano ba ito ka epektibo kung ikumpara sa ibang vpn??? Heto ang sekreto ...

1. Ang bilis ng postern config ay nakadepende sa shadowsocks account na iyong ilalagay. Ang isang free ss account ay mas mabagal kung ikumpara mo sa isang account na iyong binabayaran or binili at mas madali rin itong mag expire. Pero hindi lahat ng Free account ay mabagal dahil nakabase rin ito sa server na ginagamit !!!May mga servers din na mabibilis kahit Free!!! Kailangan lang ng matiyagang paghahanap… May Free ss account din na mas mabilis kaysa iba...Hindi rin lahat ng free account ay magkapareho ng expiry date...May 6 at 12 hours mag expire, meron din 1 day, 1 week, etc...Sa madaling salita kung mahal ang yung binabayaran sa account ito ay mas mabilis at di hamak na mas matulin kaysa mga free servers...

2. Eto pa ang isa sa mga sekreto...Maliban sa shadowsocks server, ang takbo ng postern config ay nakadepende sa pag likha mo ng RULE sa iyong prx file!!! Anu ba ang Rule? Ito ay ang isang paraan kung paano mo i-handle or i-manage ang lahat ng out-going traffic galing sa iyong device. Halimbawa pag may mag initiate ng new accress request, pwede itong i-block ng rule, i-direct sa proxy server, or i-direct sa kanyang destination.

3. Bakit halos lahat ng ibinabahagi dito na postern config ay madali lang mag expire at mabagal? Totoong madali lang mag expire dahil halos lahat ay free maliban sa iilan na ρáíd account...Pero hindi lahat ay mabagal dahil may nakagawa na ng mabilis. Bakit kahit hindi pa expire ang account ay ayaw na itong gumana? Maaaring Full ang server or sobrang gumagamit ng server dahilan para mag overload ito, may network problem sa area nyo sanhi ng masamang panahon or may technical maintenance na ginagawa at iba pa.

4. Yung mga binabahagi na prx file dito ay hindi ang pinaka mabilis na configuration...Bakit hindi ibinabahagi ng mga magagaling na gumagawa ng prx config ang kanilang matutulin na configuration sa mga free net sites katulad dito sa phcorner? Simple lang ang sagot at ito ang kanilang mga dahilan ...1. dahil ito ay nakikita at na e-edit ng iba kasama na ang server na maaaring i-report at i-block ng network...Kung ito'y iyong binabayaran siyempre kahit papano masakit din ng kunti...2. at ang masaklap pa yung gumagaya at nag e-edit hindi nagbibigay ng tamang credits sa mga orihinal na gumagawa at para pang sinasabi na sila ang gumawa ng config...3. Yung iba naman ayaw lang talaga nilang mag bahagi…

5. Paano ba i-configure ang prx file?

a. Una, kailangan mong magdownload ng isa sa mga gumagana at mabibilis na prx file ng postern config…maraming nagkalat dyan na pwede nyong i-download…

b. Para masilip at ma edit mo ito…kailangan mo ng isang magandang text editor tulad ng ES File Explorer…download nyo lang po playstore..

c. Open mo yung Text Editor at hanapin mo yung prx file na yung dinownload…Tap mo yung file then tap Open as Text…

d. under Select Tap ES Note Editor…Ngayon nakikita nyo na ang laman ng prx file…

e. Next, tap the 3 small dots na vertical line sa upper right part ng yung editor ay tap edit…pwede ka nang mag-umpisang dumiskarte…

6. Sa kasalukuyan anu ang advantage ng postern laban sa ibang mga vpn? 1. Ito ay hindi na kailangan ng load at promo…2.Halos kahit anung APN pwedeng gamitin dito, pero mas maganda kung default na lang (internet.globe.com.ph or http.globe.com.ph)…3.Pwede kang maka open ng mga blocked sites kung marunong kang dumiskarte sa prx config...4.Pwede ka ring mag block ng mga nakaka-iritang ads…

Important Note: Pag nakadownload na kayo ng isang mabilis na prx file at hindi kayo masyado marunong mag edit o sadyang tinatamad lang, ang gagawin nyo lang ay palitan ang account (server,port,encryption at password) na nasa ibaba ng [Proxy]. Kahit isang server lang pwede na…Delete nyo yung nakalagay sa [Proxy Group] at [Rule]…Bulls-eye na yan !!!

Pag ang isang working config ay hindi na gumana, ibig sabihin nyan expired na ang server or ito’y nakatay…Pwede rin itong humina pag marami na ang gumagamit..

Susunod……………..Iba pang sekreto ilalantad………………Abangan!!!
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top