Naku, senior na ako klasmeyt. At hindi lozartan ang gamit ko kundi special amlodipine, fenofibrate at simvastatin araw-araw he he. Kaya na maintain ko yung 120/80 kahit tuloy pa rin yung *********-lights. Pero three times na akong inatake sa puso. Masuwerte ako't merong natural countermeasure itong katawan ko. May relief valve kasi ako sa ilong. Pumuputok pag mataas ang presyon hanggang +200/120, kaya umiinom muna ng sarili kong dugo habang iniintay yung epekto ng catapres (Clonidine). Nadiskubre ko lang noong unang experience ko. In runs in the family, kaya napaghandaan ko rin kung sakaling mangyari. Ingat na ako ngayon.
Check mo yung family tree mo para sa common ailments, yung iyong lifestyle mo, mga nararamdaman mong kakaiba, kasama yung iyong regular medical tests and checkup, para malaman mo yung probable weakness ng katawan mo as you age, nang magawan ng paraan para pigilan yung "worst case scenario" he he. Huwag mong intayin dumating pre, baka magulat ka kaharap mo na si San Pedro he he. Wala ng balikan yan.
Ang pagtuunan mo din ng pansin ay kung papaano pabagalin yung pagtanda ng katawan mo para tumagal pa sa mundo. OK maging healthy, pero dapat masaya ka at nagagawa ang gusto mo.
Cheers habibi!