Hi po, ask ko lang po sana ano magandang build sana ng PC or laptop na kaya magrun ng autocad, sketchup pati video rendering, from 40 to 45k budget.
Recommendation naman para po sa 2.5" SSD? Pang laptop upgrade sana.Mahal pricing nitong nakalap ni bot. Mas mababa na yung presyo ng ilang nasa list at ibang mas bagong hardware sa market.
Pero I agree na mag-AMD-based build ka for multi-threading. Dito sa productivity tasks lamang ang AMD sa ganyang budget.
Mag-AMD Ryzen 5 5600 ka na for CPU.
For GPU, I think mas maganda kung mag Radeon RX 6600XT ka. Maliban sa mas maganda specs nitong graphics card na ito kaysa GTX 1660 Super, mas maganda pa rin talaga ipares ang Ryzen CPU sa Radeon GPU. Since pareho silang galing kay AMD, optimized yung performance ng Ryzen sa Radeon.
For motherboard, okay pa yang B450. Pero meron na obviously na mas updated at mas mahal na klase.
For RAM, okay na rin yang 16GB DDR4.