Kamusta mahal ko
May ipapaalala lang ako
Baka kasi makalimutan mo
Ikaw lang sa puso ko.
Sa iyo hindi magsasawa
Kung maaari nga, lagi kang nakikita
Magkatabi, magkaharap, kahit walang wika
Mananatiling masaya, basta ikaw ang kasama.
Palagi mong tatandaan
Ikaw ang iibigin, mamahalin kailanman...