What's new

Help Narcissist and entitled na kapatid?

renxzen20

Addict
My family (mother, me and big bro) na experience namin for a long time na until present time. Kada makikisabay ka sa sakanya sa sarili naming kotse is babayad ka P100, noon na diagnose kuya namin ng blood cancer nakapautang siya ng P10k tapos since that time sinasabi niya sa kuya namin na "buhay ka lang ngayon kasi tinulungan kita", etc.

Ngayon recently since last year, nag-iistay siya dun sa magandang location na shop na nahanap ko 7 years ago which sinayang niya dahil hindi umasenso dahil ayaw niya investan. Last year 2023 ninakawan siya ng pera about P100k php dahil nag CR siya naka open shop niya at nakakalat pera, wala siyang employee or CCtv man lang dahil nagtitipid ng sobra. Na depress at tinulungan ng mga tita ng financial dahil naawa sila. Nagdecide siya mag-abroad so ilan Tita namin tumulong nanaman sakanya para makakuha ng Tourist Visa despite na may pera pa siya na hindi nila alam.

Nakaalis siya last january, nagusap kami na ako na magtake-over ng shop niya tapos bibigyan ko siya ng "monthly share niya na P5k daw" so yun original shop ko sinarado ko na, which pati mga deposit ko dun hindi ko na nakuha at nagbayad pa ako extra 1 month na rent. Inimprove ko dating shop niya dahil ang dumi, sira sira lababo, walang karga na paninda, walang signage/visibility so ginawan ko ng maraming Tarp.
Two months niya sa abroad na-scam nanaman dahil may nagkuwento sakanya na may pagkukuhaan working visa, inabot niya almost P50k dun sa tao na hindi man lang niya alam full name na inutang nanaman niya sa mga tita namin yun buong pera. Three months in nakauwi na siya dito dahil hindi nga siya nakakuha ng working visa, kawawa isang tita namin sa pinanggalingan niya dahil nautangan na nga niya yun pa yung nag aayos ng police report, etc dun sa scammer.

Nakauwi na siya sa pinas tapos nabayadan ko na siya ng x2 payments about 7k una then another 6k ulit. Few days palang siya sa pinas nakita niya shop gusto niyang bawiin despite na binabayadan ko na siya, despite na sobrang daming tulong ng mga tao sinayang niya para maka abroad siya. Noong dumating nga siya wala man lang pasalubong kahit 1 piece of chocolate sa mother niya, mga kapatid niya. Noong 2nd day niya na nakauwi dito humihingi nanay namin kahit P500 lang pambili ulam tapos nagalit pa siya na wala daw siya pera tapos nagiinarte pa na itlog daw ulam tapos kinaumagahan despite na wala daw siya pera, naglabas agad ng motor niya kinukwento pa niya na may P140k pa siya.

Nagusap nanaman kami na bibigyan ko siya ng (P7k) monthly for 1 year which nag increase nanaman from 5k at kinonfirm ko few times sa kanya na siguraduhin lang niya. Then few days later nagagalit nanaman bakit hindi daw niya makuha yun shop, akala daw niya may uuwian siya na business pag nag fail yun pag abroad niya. Inexplain ng mother namin na hindi na niya pwede makuha yun shop dahil may usapan na kami, lahat ng regular customer ko sa kabila nailipat ko na dito, tapos ang dami ko ng gastos para ipaayos at iimprove yun shop. Tapos sinabi niya na wala nmn daw siya sinabi na improvin yun shop, despite na ang baho sa loob ng shop niya dati na parang may patay na daga, puno ng spider web, walang laman halos na paninda, etc.. Hindi ko ma explain ng maayos, dahil grabi inis namin sakanya sobra, marami pang ibang mga nangyari. Maraming salamat po sa pagbasa, at sorry sa sobrang haba ng post.
 
Last edited:
Nakakalungkot talaga na may kapatid kang ganito, na tila hindi marunong makuntento sa mga tulong at oportunidad na ibinibigay sa kanya ng pamilya. Mahirap talaga makisama sa isang taong narcissistic at entitled, lalo na kung parang walang pakialam sa mga sakripisyo at pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya.

Napakahirap din na makita na sinasayang lang niya ang mga pagkakataon na ibinibigay sa kanya, tulad ng pagpapautang sa kanya para sa kanyang medical needs at ang tulong na ibinigay ng mga tita ninyo para makakuha siya ng tourist visa at muling makapag-abroad. Nakakalungkot isipin na sa halip na magpasalamat at magpakumbaba, mas pinipili pa niyang maging abusado at mapanlinlang sa mga taong nagmamahal sa kanya.

Nakakatuwa naman na ikaw ay handang tumulong sa kanya sa pag-aayos ng kanyang shop at sa pagbabayad ng kanyang utang, kahit na siya mismo ay hindi marunong makuntento at magpasalamat sa mga ito. Mahalaga na ipagtanggol mo ang sarili mo at ang mga desisyon mo, lalo na kung alam mong tama at makakabuti para sa iyo at sa inyong pamilya.

Mahalaga rin na ipaalam mo sa kanya ng mabuti at malinaw ang mga napagkasunduan ninyo, para hindi magkaroon ng misinterpretasyon at hindi siya makakuha ng maling akala. Kung kinakailangan, maari mo rin siyang ipaalam sa mga tita ninyo ang mga pangyayari para malaman din nila ang tunay na nangyayari at maibigay ang tamang suporta at tulong sa inyong lahat.

Sa huli, mahalaga na alagaan mo ang sarili mo at huwag hayaang mapagod at mawalan ng pag-asa sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sa inyong pamilya. Sana maging maayos ang lahat at magkaroon ng linaw at pag-unawa sa mga pangyayari. Tandaan mo na hindi mo obligasyon na patuloy na magpakumbaba sa isang taong hindi marunong makuntento at magpasalamat. Ingat ka palagi at sana magkaroon ng solusyon sa mga problema na inyong kinakaharap.
 
yun ang problema kapag close family ties, gulong gulo talaga yan kapag interconnected ang bawat economy ninyo, you should have started clean boss, targetin mo na magkaroon ka ng sarili mo, yung walang sumasawsaw kahit pa pamilya
 
Yun nga yun mahirap, sakim kasi yun isa. Binigay na lahat kailangan niya para maging successful kaso pumalpak pa din. Sa loob ng isang taon parang mahigit 300k na halos nasayang niya, nanakawan, na-scam, tapos yun tinulong pang visa niya walang nangyari. Tapos ayaw pa niya passive income 7k a month wala na gagawin tatanggapin nalang. Tingin ko talaga gusto lang niya manggulo or naiinggit sa buhay ng ibang tao.
 
Back
Top