Mga lods good day po sa inyung lahat, IT po ako ng isang public school sa totoo lang po taga repair lang po ako ng computer hahaha wala na po kasi ibang makuha Principal namin. Sa mga YøùTùbé rin ako natuto mag kabit ng Fiber dahil yung rj45 lang talaga naturo namin nung high school ako at college may system kasi kami sa school na Hotspot kumbaga walang password yung mga Wifi pero may mag pop-up na maghihingi ng username at password parang sa mga hotel at mall ampeg. May isang router kasi nilagay yung 3rd party installer namin ng fiber para magpalibot sa school sila na rin nag configure sa mga mikrotik. Huawei hg8145v5 yung modem di siya Globe o PLDT parang factory firmware. Nasira kasi yung gpon sa isang office yun sana papalitan ko sinet-up ko na ng PPOE and all and only to find out na yun palang router nun ang source ng Hotspot sa network switch na linya sa mga naka utp lang na mga offices malapit sa IT office. Nais ko sana ibalik siya sa dating config niya, ano kaya i-configure dun sa router, yung source niya ng internet ay sa mikrotik na hotspot ang config tapos tatapon siya ng hotspot connection sa network switch yung Wifi din niya dalawa yung isa naka AP-Hotspot tapos yung isa ay direct talaga di na maghihingi ng username at password. Sana po may makatulong.