What's new

Yul Servo, tatakbong Manila vice mayor; former PBB housemate Ali Forbes, kakandidatong QC councilor

AAP7vh7.jpg


Kakandidatong vice mayor ng Maynila ang aktor at Manila 3rd District House Representative na si Yul Servo sa May 2022 elections.

Si Yul ang running mate ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna, na tatakbo bilang alkalde ng kanilang lungsod.

Tumaas nang husto ang popularidad ni Lacuna sa constituents nila ni incumbent You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. sa panahon ng coronavirus pandemic.

Nagamit ni Lacuna ang pagiging doktor dahil siya ang personal na nagtuturok ng COVID-19 vaccine sa ilang mga residente ng siyudad na nasasakupan nila ni Isko.

ARAGONES-EJERCITO IN LAGUNA​

Sa probinsiya ng Laguna, naghain ng certificate of candidacy nitong Lunes ng umaga, October 4, si Laguna 3rd District House Representative You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na kakandidato bilang gobernador.

Kasama ng dating TV Patrol reporter sa paghahain ng certificate of candidacy ang kanyang running mate, ang aktor na si Jerico Ejercito na nag-aambisyong mahalal na bise gobernador ng Laguna.

Si Jerico ay anak ng former Laguna governor na si You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na kakandidato naman bilang alkalde ng Calamba City, Laguna.

AAP7mUv.jpg
© Provided by PEP.ph
Sol Aragones and Jerico Ejercito

ALI FORBES IN Q.C.​

Ang mahalal na konsehal ng 6th District ng Quezon City ang puntirya ng former beauty queen at Pinoy Big Brother: Lucky 7 housemate na si Ali Forbes.

Nagsumite si Ali ng certificate of candidacy nito kahapon, October 3.

Sa kanyang Facebook at Instagram post, sinabi ng dating beauty queen na kakandidato siya dahil sa pagnanais niya na makatulong sa kapwa.

"Maraming magtatanong, maraming magtataka siguro kung bakit po tayo nag-file.

"Kung nasubaybayan n’yo po ang kwento ko sa Pinoy Big Brother, tayo po ay maraming pinagdaanan na pagsubok sa buhay ngunit hindi po ito naging hadlang para tayo ay maglingkod sa kapwa.

"Noon pa man po ay tayo ay meron nang mga charity work at nung dumating ang pandemya, mas marami po ang may kailangan ng tulong natin," paliwanag ni Ali tungkol sa pagpasok niya sa pulitika.

PM VARGAS IN Q.C.​

Ang kanyang kapatid na si Quezon City 5th District House Representative Alfred Vargas at si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kasama ni Councilor Patrick Michael "PM" Vargas nang maghain ito ng certificate of candidacy para sa congressional bid niya ngayong Lunes, October 4.

AAP7xX7.jpg
© Provided by PEP.phPHOTO: Facebook

Mayor Joy Belmonte, PM Vargas, and Congressman Alfred Vargas

Tatakbo si PM na house representative ng 5th District ng Quezon City. Layunin daw niyang ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng kanyang kapatid.

"Para sa Diyos, Bayan, at Pamilyang Pilipino!!! Labis na pasasalamat ang gusto nating iparating sa ating mga ka-distrito.

"Sa loob ng mahigit isang dekada, nakasama at nagtiwala po kayo sa amin ni Kuya Cong Alfred Vargas, umaraw man o umulan, sa hirap at ginhawa, may pandemya o wala.

"Ipagpapatuloy natin ang mga magaganda nating nasimulan. Lalo pa nating patitingkarin ang kabutihan, pag-asa, malasakit, at pagmamahal sa isa’t isa."

Kasama si Mayor Joy Belmonte, hindi po namin kayo pababayaan kailanman. 'Yan po ang Tatak ng Alagang Vargas," Facebook post ni PM tungkol sa desisyon niyang tumakbo bilang kongresista ng kanilang distrito.
 

Attachments

Similar threads

Back
Top