What's new

Yeah! Kaya Pa

kreyzii

Forum Guru
Joined
Mar 2, 2022
Posts
3,739
Reaction
8,472
Points
1,702

Sa likod ng matingkad na ngiti na wari'y bahaghari ay ang makulimlim at nagbabadyang pagbuhos ng ulan.​

Mga luha at pagsuko na matagal nang pinipigilan.​

Sadyang hindi lahat ng makulay ay may kulay—​

Madalas ay pagbabalat-kayo ng nararamdaman upang itago ang tunay.​

Sa likod ng positibong pagkatao ay ang isipan ding binabagyo.​

Buo na nakaharap ngunit durog na nakatalikod.​

Iaahon ang mga inaanod.​

Kahit ang sarili ang totoong nalulunod.​

Sa likod ng mabuti at pusong mapagbigay ay ang taong pinagkaitan at hindi pinagbigyan.​

Ang siya pang binalewala at hindi pinahalagahan.​

Ang may madilim na nakaraan—​

Gayunman, ang bigat na nararamdaman ng iba'y ginagawa niya pa ring magaan.​

Sa likod ng "kaya ko pa" ay ang pabulong na "pagod na talaga ako".​

"Laban lang" pero kinakaya na lang talaga.​

"Usad lang" pero pinipilit na lang talaga—​

Wala namang pagpipilian, dahil kailangan.​


# ctto TINTALATA

 
may ganito ka pala thread,,ngayon ko lang nabasa,,i copy paste ko hah..
salamat sa makabagbag damdamin na tula,,pero wag ka mag aalala if you feel down,,im just here,,and always remember this..
"what we do in this life,,goes in eternity,,"

[Hidden content]
nagtatago pa ng post,,bakit may mga i love you ba na words jan,,wahahaha
 
May patula ka din pala.. nice , ang sakit naman sa damdamin nyan. Pero ganun talaga. Kelangan tibayan ang loob, and magpatuloy lang sa agos ng buhay ☺️
( Ang hirap magpaka serious 😆haha)
 

Similar threads

Back
Top