- Joined
- May 28, 2016
- Posts
- 797
- Solutions
- 1
- Reaction
- 134
- Points
- 289
Hingi sana ako ng tulong or maipapayo niyo sakin, about sa babaeng nakilala ko sa fb. oo alam ko ang iniisip niyo na baka fake account ang kachat ko, which is not po. kung pagbabasehan ang layo namin ay next town lang siya sa town ko. I added her, not because she's beautiful, well, masasabi ko na din na maganda siya pero at first, hindi yun ang intensyon ko na manligaw, bagkus mag a add ako ng mga taong nakalagay sa recommended people para maghanap ng memes, like memer po ako sa fb, and gusto ko makadiscover ng mga bagong memes na galing sa kanila na shinare niya, sana gets. that was march 2020 ata iyon, bago mag lockdown, inaccept niya friend request ko, di ko expect yun kase, may mga ilan na famous ganun, tas iisipin eh manliligaw agad, at that time, hindi talaga, I was finding for new memes or dank memes. and yun nga, pag nakita ko mga shine share niyang memes, react and share ako. and dun na nag start curiousity ko sa kanya, I stalked her profile and na shocked ako, di ako kinilig, na shock lang kasi, ang ganda niya and that time, napapaisip ako, bakit parang napaka misteryoso niya, minsan kasi, di lang memes ang shineshare niya sa fb, may sad sharedposts din siya like, mga paps, di mo talaga mahahalata sa mukha niya na malungkot siya or may dinadamdam siya, and dumating yung time na sa sobrang curious ko sa kanya, chinat ko na siya. nagreply naman siya, and nahihiya pa ako magchat noon, ewan ko ba bat ako nakakaramdam ng pagkahiya nung unang chat ko sa kanya. and days and weeks passed by, hanggang sa dumating na kami sa point na ngayon eh tinatawagan ko siya or siya nagsasabi na tumawag daw ako sa kanya, pag feeling niya inaantok na siya, ewan ko kung anung araw yung simula nung nag video call kami, minsan voice call lang. so yun nga, parang, hindi pala parang, nalalagyan ko ng meaning yung mga ganitong gesture. yung like minsan nag u update siya ng ginagawa niya, minsan biglang magsesend siya ng mga tiktok videos niya sakin. dati naman ni compliment ko siya about sa mga funny tiktoks niya, isang beses ko lang naman sinabi sa kanya noon at in noon na tignan ko mga tiktok niya, ayun nag send naman siya, then yung latest, nagsend siya ulit ng tiktok video niya. meron din yung time na sinesendan niya ko ng pictures at pinapapili ako kung alin daw dun sa mga yun ang maganda i dp sa fb niya. and may one time pa nag chat siya sa akin kasama yung picture niya at sinabi sakin na, " ganda ganda ko, di mo ko im my day? " .. dun pa lang para sakin, nalagyan ko na naman ng meaning yun. and at this moment, inutusan niya ko na tawagan ko siya kasi nanggigigil siya tas eto tinawagan ko siya, tinatanong ko kung ano nangyare, ayun nag complain sa crush nya, and yun na parang dooms day ko pero di ko ininda yung feeling ko broken ako? hindi, I pretend na di ako nasasaktan? like sino ba ako para magreklamo diba? sino ba naman ako para magselos. And yun nga, narinig ko iyak niya, parang wala ng bukas, tas akala niya nag end na yung call ko sa kanya kaya ewan ko bakit siya nagsosorry sakin, and yun sabi niya bumalik daw lahat sa isip niya yung mga past daw niya. natatakot na daw siyang iwanan ng mga kaibigan or kung sino pa diyan sabi niya sakin. ewan ko kung naguguluhan kayo sa kwento ko pero sa araw araw namin pag uusap, unti unti din akong naf fall sa kanya, pero sinsabi ng isip ko na wag akong papatalo sa nararamdaman ko kasi ang dami ko nang nasirang freindship dahil lang umamin ako noon sakanila. kaya parang na trauma na din ako na "paano kung umamin ako sa kanya? worth the risk ba? magbabago ba lahat kapag umamin ako sa kanya? Will it be the same if I admit to her that I already have feelings for her? Ayoko siyang lumayo sakin, kahit anong mangyari.